Piolo at Derek, first time nagsama

Birthday ni Piolo Pascual bukas (Jan. 12), at 49 years old na siya, pero sa script reading at storycon ng cast ng The Kingdom: Magkabilang Mundo, sinorpresa siya ng APT Entertainment sa pangunguna ni director Mike Tuviera. He was presented with a birthday cake at kinantahan ng mga kasama sa cast at production staff na present.
Sa caption ni direk Mike, tinawag si Piolo sa pangalan ng karakter niya sa series. “Happy birthday to our Sulu, @piolopascual. Abangan si Piolo sa #TheKingdom #MagkabilangMundo soon on @tv5manila!”
Kasama sa script reading sila Cristine Reyes na andun din sa original movie, si Ryza Cenon na kabilang sa new cast at si Derek Ramsay na bago rin sa cast. Ito rin ang comeback project ni Derek at pagbabalik na rin niya sa TV5 after mag-expire ang kontrata niya sa GMA Network.
So, hindi pala totoong iniwan na ni Derek ang showbiz, naghintay lang siya ng right project at nang dumating, tinanggap.
Isa sa nagpapa-excite sa fans ay ang first time na pagsasama nina Derek at Piolo sa isang project, kaya sigurado silang big project ito. Tingnan n’yo naman, co-production pa ito ng APT Entertainment, Cignal at TV5.
May Kapamilya fans na nagtanong kung iniwan na ba ni Piolo ang ABS-CBN at lumipat na siya sa TV5? Ang Manila’s Finest ay produced ng MQuest Ventures na sister company ng TV5, kaya nagtanong ang Kapamilya fans. Ang sabi ng sumagot, freelancer si Piolo at puwede siyang tumanggap ng offer from outside ABS-CBN.
Rhen, pinakilig si Joseph
Ang sweet naman ni Rhen Escaño nang i-dedicate sa author ng My Husband Is A Mafia Boss na si Diana Marie Serrato Maranan o Yanalovesyouu ang kanyang Instagram post.
“Para kay ate Yana. Para sa lahat ng nagmahal sa librong ‘to. Para sa lahat ng ginawang parte ng buhay nila ang kwentong ito. Para sa lahat ng nag-manifest araw-araw para tayo ang piliin maging Aemie.
“Para sa mga supporters na naging kaibigan. Salamat sa tiwala na binigay niyo. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa buong cast.
“Sa VIVA bosses at management, Boss Vic, Boss Val, Boss Veronique, at Boss Vincent. Maraming salamat po. Hindi ko po ito sasayangin.
“#AemieBarbie 143 now signing in.”
Kinilig ang fans at magiging shippers nina Rhen at Joseph Marco sa comment nito sa post ni Rhen na “WTF, wife?! I absolutely love your post!” sabi ni Joseph.
Mag-asawa kasi ang role nina Marco at Rhen sa Viva One series, kaya ganu’n ang tawag ng aktor sa leading lady.
Ang sagot ni Rhen sa comment ni Joseph ay “Dong, birthday mo Dong! Happy Birthday!!!” na sabi ng fans, kulang sa lambing, kinilig pa rin sila.
- Latest
























