Maja, nangakong babantayan ang anak sa bashers!
MANILA, Philippines — Inilabas na ni Maja Salvador ang mukha ng anak nila ng mister na si Rambo Nuñez, si Maria.
Inamin ni Maja sa isang interview last year na ayaw niyang maging biktima ang anak nila ng mga basher sa social media kaya laging ang post niya ay may takip ang mukha nito.
Pero kahapon, unang araw ng 2026, ay inilabas niya ito sa social media habang nasa snow ang bata – sa Canada sila nagpalipas ng Holiday Season.
“To our Maria, posting this one and only photo para ipakita namin sa buong mundo kung gaano kami ka proud sa pinakamalaking blessing na natanggap namin.
“Pangako ni Mama and Dada na proprotektahan ka namin at ang privacy mo kahit anong mangyari anak. So when the time comes may choice ka kung paano mo gusto makilala ng mga tao.?
“We love you so much anak!” buong caption ni Maja.
Kanya-kanyang choice naman talaga dahil hindi naman lahat ng baby ay naba-bash.
‘Yung anak nina Derek Ramsay and Ellen Adarna na si Lili, since ipanganak, laman na ng social media.
Ganundin ang anak nina Iza Calzado and Ben Wintle, si Deia. Nasubaybayan sa social media ang kanyang mga milestone.
Kahit ang anak ni Angelica Panganiban at husband niyang Gregg Homan, visible sa social media.
Kahit ang anak nina Luis Manzano and Jessy Mendiola, exposed din sa netizens, but luckily, na-enjoy na nila.
Sabi ni Maja sa mga interview niya noong isang taon na “Sa totoo lang, natatakot ako na baka manakaw ang identity niya.
“Paano kung may gumamit ng mga litrato o video niya para sa isang shady online? Lalo na ngayon na may AI (Artificial Intelligence) – posible ang lahat.
“Mga inosenteng bata ito, at proud na proud ang mga magulang nila. Pero may dumating na masamang tao, siniraan sila, o kinukutya ang kanilang sanggol. Bilang isang ina, ayaw kong mapunta sa sitwasyong iyon. Mas gugustuhin ko na lang na iwasan ito,” paliwanag ni Maja that time.
But anyway, dahil nakita na si Maria sa social media, tiyak na dadagsa ang offer na endorsement sa bata na noon ngang legs lang ang inilalabas ay may endorsement na, what more itong nakita na ang cuteness niya.
Ogie, may pinagdarasal!
Mas marami nga bang nagpaputok at nag-ingay sa pagpasok ng 2026? Para sa kamag-anak ni Ogie Alcasid, maraming gustong magbawas ng ‘bad spirit’ kaya ganun.
Pero marami rin namang nanahimik lang at nagpasalamat sa 2025.
Obserbasyon kasi ni Ogie ay marami-rami raw ang naglabasan sa kanilang lugar para magpaputok: “Taon taon, sa aming lugar pansin namin ang labis at minsan kakulangan sa mga “pasabog” na fireworks sa abot ng aming natatanaw. This year, marami ang nagsilabasan ng kanilang paputok at sabi nga ng aking isang kamag-anak, “marami ang nagpapabawas ng malas ng lumipas na taon’.
“Ano man ang dahilan, ang mahalaga siguro’y basta’t kapiling ang pamilya ito ay sapat na. Tayo ngayon ay nahaharap sa bagong taong punong ng mga kagapanang ating pinagdarasal. Nawa’y lahat tayo’y lalong pagbitayin ng espirito santo na ano man ang ating harapin, tayo’y bukas palad sa pagtanggap ng pagmahahal ni Hesus. Mula sa aming pamilya, binabati namin kayo ng isang maluwalhating bagong taon. God bless you po,” sabi ng mister ni Regine Velasquez.
But anyway, isang factor naman kaya sa ibang lugar ay walang gaanong ingay at wala halos paputok ay dahil sa pets.
Marami na ngayong may alagang mga aso na takot na takot sa mga naririnig nilang malakas na putukan kaya mas pinili ng mga may fur babies na idaan sa ibang paraan ang pagsalubong sa bagong taon.
- Latest





















