Direk Jun Lana, may pasaring?!

Ang tweet ni director Jun Robles Lana na pa-statement na rin. “Vice Ganda. Best Actor. Period.”
Mabilis ang sagot ng fans ni Vice sa post na ito ni direk Jun na patama siguro sa mga nagdududa sa panalo ni Vice sa katatapos na awards night ng 2025 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Call Me Mother.
Pinasalamatan si direk Jun ng fans ni Vice at comment ng fans, siya ang best director para sa kanilang fans.
Marami sa fans ni Vice ang umaasang hindi ang nasabing pelikula ang last collab nina Vice at direk Jun at wish nilang sa 2026 MMFF, may entry pa rin si Vice at si direk Jun pa rin ang director.
May pa-thank you si Vice sa kanyang fans sa kanyang panalo. “Nalutang, nataranta, natulala hanggang sa nalasing nako kagabi kaya’t di na ko nakapagpasalamat sa inyo. MARAMING MARAMING SALAMAT MADLANG PEOPLE AND MY LITTLE PONIES!!!! Alam kong ginusto nyo to para sakin. At inilaban nyo ko. At alam kong masayang masaya kayo. WE won!”
Tsika ng fans, mabuti at hindi agad umuwi si Vice after manalong best child performer si Lucas Andalio for the same movie. Nag-tweet kasi si Vice ng “Yeheeeeeeeeyyyy nanalo yung anak ko!!!! Lucas is the BEST CHILD ACTOR!!! Pwede nakong umuwi!!!!”
Mark Leviste, ‘di pinaboran sa pagkampi kay Ate Vi!
May mga kumontra sa Facebook post ni Mark Leviste na ipinagtanggol si Batangas Governor Vilma Santos sa controversial video clip na kinasangkutan nito. Sabi naman ni Mark, “For the record, this post or statement is unsolicited. Kaya kung hindi kayo sasang-ayon sa opinion ko, sa akin na laang kayo mag-comment at huwag nang mandamay ng iba.”
Ikinuwento ni Mark na matagal na nine years na niyang kilala si Gov. Vilma at Executive Secretary Ralph Recto, nang maging vice governor ni Vilma at mas nakilala niya ito hindi lang basta lider, bilang kaibigan at taong may malalim na pagpapahalaga sa mga prinsipyo.
Nalulungkot si Mark sa isyu kay Vilma ngayon. “Her recent remarks were taken out of context, twisted, and used to paint a picture that is far from who she truly is. Kaming mga nakatrabaho at nakasama niya ng matagal pati na rin ang mga Vilmanians ang higit na nakakakilala sa kanya. Kung alam laang ninyo, Governor Vilma has always been responsible, assiduous in her work, and guided by genuine concern for the people she serves. She is thoughtful with her words, firm in her principles, and sincere in her intentions.”
Bahagi ‘yun ng mahabang post ni Mark at binanggit pa nga nito na “I stand by Governor Vilma because I know her.” Marami ang nagpasalamat kay Mark, pero may mga naniniwala pa rin na tama ang narinig nila kay Vilma.
Hintayin natin kung paano magtatapos ang isyung ito. Pati ang Instagram ni Luis Manzano pinasok na ng mga nagalit kay Vilma.
Hinayaan sila ni Luis na maglabas ng tampo, naniniwala siguro ito na sa maganda magtatapos ang lahat.
Tom, ‘di makapaniwala sa award!
Ramdam ang tuwa ni Tom Rodriguez sa kanyang post nang manalong Best Supporting Actor for his role in UnMarry.
“I’m still waking up grateful...
“I honestly didn’t expect the nomination last night, much less the win. In the rush and emotion of the moment, I missed thanking a few people who are deeply integral to my work process.
“To my handler @joeyrada and my personal assistant @arnilderotas thank you for being my safety net through the years. Because of you, I get to jump wholeheartedly into my roles, knowing everything off camera is handled with care. Your quiet consistency is a gift I never take for granted.
“I’d also like to thank my family, who have ceaselessly supported me throughout this journey. Your belief, patience, and love are the steady ground I stand on, and off screen.
“Last night was overwhelming in the best way. But how I started my day is how I will choose to end it... with intentional gratitude,” bahagi ng post ni Tom.
- Latest






















