SRR, waging-wagi sa takilya!

Ang lakas ng Shake, Rattle, and Roll sa pagbabalik nito sa 51st Metro Manila Film Festival.
Umani nga ng record breaking box-office result ang latest installment ng iconic movie series ng Regal Entertainment na nag-umpisang ipalabas sa mga sinehan noong Pasko, na biggest opening day para sa sa isang Pinoy horror movie sa loob ng mahigit isang dekada.
Dahil sa lakas ng pelikula, nadagdag na ang ibang mall ng mas maraming sinehan sa SRR: Evil Origins.
Pumapalakpak ang mga nakapanood ng pelikula na very modern ang naging paglalahad ng tatlong kuwento.
Hindi rin inaasahan ang twist ng tatlong episode na para kang nanood ng tatlong pelikula kaya talagang sulit.
Patok din sa mga kritiko ng pelikula kung saan itinuturo ng mga unang review na ang magic ng mga pelikulang SRR ay patuloy na nakakaakit sa mga manonood.
Bukod kasi sa mahuhusay na cast, production design at nakakadalang scoring/effects, impressive rin ang location ng bawat episode at ang kuwento ay maayos ang pagkakalahad.
Iba-iba rin ang appeal ng bawat episode - 1775, pinagbibidahan nina Carla Abellana, Janice de Belen, Loisa Andalio, Ara Mina, Arlene Muhlach, and many more directed by Shugo Praico.
Gandang-ganda rin ang iba sa episode 2 na pinamagatang 2025 tampok ang SRR OG na si Manilyn Reynes bilang Malena, ang loveteams nina Francine Diaz at Seth Fedelin, JM Ibarra at Fyang Smith, Sassa Gurl, atbp sa direksyon ni Joey de Guzman.
Grabe naman ang tinilian sa paglabas ni Richard Gutierrez sa final episode na 2050, kung saan ipinakita ni Direk Ian Loreños ang apocalyptic future ng bansa.
Kabilang din sa Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins sina Ivana Alawi, Dustin Yu, Ysabel Ortega, and Ashley Ortega. Kasama rin sa cast sina Ara Mina, Arlene Muhlach, Alex Calleja, Karina Bautista, Sassa Gurl, Matt Lozano, Althea Ablan, Elijah Alejo, Maika Rivera, Sarah Edwards, Raven Rigor, Angelica Lao, Shecko Apostol, Dylan Yturralde, Arkin Lagman, at Celyn David.
- Latest




















