Herlene, hindi na ulit mag-aalok na ninang!

Naging usap-usapan ang pag-volunteer ni Herlene Budol na maging ninang ng anak ni Bea Borres, at pagtanggi nito sa kanya kamakailan sa isang vlog.
Kaya naman, tanong ng marami, may tampo nga ba ang actress-beauty queen sa social media influencer?
Pinaliwanag ni Herlene kung bakit nga ba siya nag-volunteer.
“Gusto kong mag-ninang kasi parang kulang siya ng protector. Kulang siya ng taong hindi man ‘yung magga-guide, ‘yung poprotektahan siya with or without camera bilang isang kaibigan.”
Nilinaw rin ni Herlene na hindi naman siya nasaktan. Sa halip, mas napahiya umano siya sa mga taong nanonood.
“Actually hindi ko nga siya naisip hanggang sa paulit-ulit na lang may nagta-tag sa ‘kin, dapat hindi ka pala nagbo-volunteer kapag mga ganu’ng klase ng bagay,” sabi ni Herlene.
Dagdag pa ni Herlene, “Ako, hindi ako naging against sa naging sagot niya sa ‘kin, hindi sumama ang loob ko, mas naintindihan ko nga ‘yun e.”
Samantala, sa isang Facebook post, sumagot si Bea at nilinaw na walang tensyon sa kanila ng aktres. Nilinaw rin niyang walang ibang ibig sabihin ang kanyang pagtanggi.
“So what if I ‘rejected’ Ate Herlene as a ninang, it’s not that serious and deep,” sabi ni Bea.
Hindi rin daw niya inaasahan na magiging isyu ito sa netizens.
Ipinangako naman ni Herlene sa naturang vlog na kahit anong mangyari ay poprotektahan niya si Bea.
“Alam mo kahit hindi tayo close masyado, kaya kong bugbugin kung sino manloloko sa ‘yo. Parang ganon ‘yung feeling. Parang hindi mo deserved,” sabi ni Herlene.
Rodjun, paulit-ulit na inalala ang kasal nila ni Dianne
Six years na palang kasal sina Rodjun Cruz at Dianne Medina. At nananatiling matatag ang kanilang samahan.
In an Instagram post, Rodjun shared a throwback video from their wedding, with matching sweet and touching message para kay Dianne on their 6th wedding anniversary.
“Happy 6th anniversary wife, @dianne_medina! Paulit-ulit kong babalikan ang video na ito na napaka-special at napaka-importante sa ating dalawa.
“Mahal na mahal na mahal kita, asawa ko. Thank you so much for everything. Sobrang blessed natin. God is so good and faithful,” bahagi ng caption niya.
Rodjun and Dianne tied the knot on Dec. 21, 2019.
- Latest

























