^

Pang Movies

Melai, inunahan ang bashers!

Diane Canlas - Pang-masa
Melai, inunahan ang bashers!
Melai Cantiveros at mga anak
STAR/ File

Inunahan na ni Melai Cantiveros ang mga marites na maghahanap sa mister niyang si Jason Francisco na hindi nila kasama sa photos ng mga anak nilang sina Stela at Mela.

“Just the three of us,” unang bahagi ng caption niya sa kanyang post ng mga litrato nila ng mga anak nila ni Jason kung saan hindi nila kasama ang mister.

Pero bago pa gawan ng intriga ng mga marites ang photo nila ay nagpaliwanag na agad siya.
“(Oh haha­napin nyu nanaman si Jason tapos pag di ako magreact imamarites nyu ang posts ko hanggang christmas kapag No Show padn si Jason , imemesage nyu na kapwa nyu marites di sila magkasama mag asawa , away yan , oh dba alam kona , dahil lng yun sa post ko and caption ko na just the three us , kasama na kmi sa holiday break nyu , pero xmpre gustu nyu lang nmn malaman nasaan si Jason , well well well abangan ang next picture
“Ps merun namang iba na walang pakialam infareness,” sey ng Kapamilya comedienne/TV host.

Madalas maintriga ang mag-asawa na hiwalay o ‘di kaya ay may away tuwing hindi sila nakikitang magkasama sa photos, na ginagawa ring content ng mga vlogger na nagkakalat ng fake news tungkol sa kanila.

Natawa na lamang ang followers nila dahil kabisado na raw nito ang mga walang magawang basher na magaling mag-imbento ng mga istorya.                 

MELAI CANTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with