^

Pang Movies

Kris, eme-emeng nagtitipid na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kris, eme-emeng nagtitipid na!
Kris Bernal

Ngayong nagbabalik sa teleserye si Kris Bernal, inalala niya ang mga pagsubok na hinarap niya noong panahon ng pagkawala niya sa showbiz.

Kinuwento ng actress ang kanyang “white rabbit moment,” kung saan dala-dala niya pa rin hanggang ngayon ang mga natutunan niya mula sa pangya­yaring iyon.

“Siguro kasi ‘di ba nag-start ako sa StarStruck, 2007 pa, and then, tuluy-tuloy ‘yung shows ko. Lagi akong bida, as in every year, nakaka-two shows ako tapos pagod na pagod ako. Syempre, masaya kasi maraming pera pero umabot ‘yung pandemic na naging freelancer ako,” pag-amin ni Kris.

Ikinuwento rin niya na nawalan siya ng kontrata at tinawag niyang “life-changing” ito dahil nasanay siya sa “consistent” na income, lalo na’t magastos siya noon.

“Talagang all-out ako e, tapos biglang, oh my gosh in a snap, ito na lang ‘yung kinikita ko tapos kailangan ito na talaga ‘yung point na tanggap na ako ng tanggap ng trabaho, kahit ano na lang ‘yan, sige para may income kasi parang ‘di na ako maarte.”

Aniya simula noon, mas pinahalagahan niya ang mga oportunidad na dumarating sa kanya.

Sa kabila ng nangyari, ibinahagi niya na masaya siya ngayon, lalo na’t nakakagawa na siya muli ng teleserye. Mas natuto na rin daw siyang mag-ipon dahil sa hindi inaasahang pangyayari, katulad noong pandemic, at lalo na ngayon na mayroon na siyang anak.

Kilalang mahilig sa luxury items si Kris na bina-vlog pa nga niya.

Paano kayang magtipid ang ganun?

Young actor, nakauna sa pelikula ni Vice

Isa ang young actor na si Rave Victoria na naantig sa pelikulang Call Me Mother dahil maihahambing daw ang istorya sa kanyang buhay.

Sa pagpasok ni Vice Ganda sa iconic house ng Pinoy Big Brother, nagkaroon ng pagkakataon ang housemates na mapanood ang movie ng una na Call Me Mother.

Naikuwento na noon ni Rave sa kanyang housemates ang pagiging sabik nito sa kalinga ng kanyang mommy na mayroon na ngayong bagong pamilya sa ibang bansa.

“Sobrang na-touch po ako kasi at some point po kasi naka-relate po ako kasi laking lola po ako. Hindi ko po nakakasama ‘yung mama ko, nag-abroad po siya…

“Nagpapadala tuwing Pasko pero never ko pong nakasama mama ko sa Pasko, buong buhay ko po talaga. Pero ‘yung papa ko po ngayon umuwi na siya kasi sabi niya kahit wala kami masyadong pera basta magkasama kami okay lang daw sa kanya… Si mama ko, may pamilya na po siya sa Korea,” kuwento niya.

 

KRIS BERNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with