^

Pang Movies

Sylvia, binigay ang puso sa DS

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sylvia, binigay ang puso sa DS
Actress Sylvia Sanchez
Philstar.com/Maridol Ranoa-Bismark, file

Ang daming tumulong luha ng mga nakapanood ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na I’mPerfect.

Tinatalakay ng pelikula ang mga hamong kinakaharap ng may Down syndrome nang sila ay ma-in love.

Pero binibigyang-diin din ng kuwento ng pelikula ang kahalagahan ng pang-unawa sa isang mundong kadalasang nalilimutan na ang DS ay katulad ng ibang nagmamahal at ipinaglalaban ang kanilang nararamdaman.

“Matagal ko na itong project at naging honest ako sa kanila. Gusto ko lang talaga itong matuloy dahil ang goal ko is to impart the story to the audience. Sabi ko nga tipid lang dahil gusto ko lang siyang matuloy. Hindi ako makapaniwala na siya ang tamang producer. It took years dahil maybe hindi ko pa na-meet ‘yung tamang producer who will understand my project until Sylvia came along,” naunang kuwento ni Direk Sigrid Andrea P. Bernardo.

Dagdag pa ni Direk tungkol sa sinugalan nila na ang tinutukoy ay si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios.

“I call her Sylvia ‘Stress’ Sanchez. But it’s good stress. Grabe kasi ‘yung plano niya sa movie. Andun na rin siya sa usaping awards night. Sabi niya dapat ganito ang blocking natin. Sabi ko madam tapusin muna natin ang pelikula. Sobrang advance. Nandoon na siya. But it helps din naman because confident talaga siya sa project.”

Inulit ni Sylvia na, “Noong binigay ko ang tiwala ko sa project na ito, noong nalaman ko na ang mga bida ay persons with Down syndrome, binigay ko nang buong-buo ang puso ko at tiwala ko. From Day 1, binigay ko na ang lahat.

“Meron akong nakakausap, lumaki ako na ang best friend ko ay may Down syndrome. May pamangkin with cerebral palsy. So nakakausap ko sila. Binibiro ko pa nga. Sabi ko eto ‘yung reason kung bakit ganun ang tiwala ko. Dapat silang ipagmalaki. Heto na ‘yung movie na dapat hindi sila pinagtatawanan. Bato ka na lang kung hindi mo ma-open ang sarili mo kapag napanood mo ang movie na ito.”

Ano nga ba ang Down syndrome na karaniwang tinatawag na retarded ng iba?

Ayon Cleveland Clinic:

“Down syndrome is a genetic condition where people are born with an extra chromosome. Most people have 23 pairs of chromosomes within each cell in their body, for a total of 46. A person diagnosed with Down syndrome has an extra copy of chromosome 21, which means their cells contain 47 total chromosomes instead of 46. This changes the way their brain and body develop.”

Anyway, kabilang ang I’mPerfect  sa nakatanggap ng malaking tulong sa ika-51st MMFF. Bago ang parada ng festival, ginanap ang MMFF Golf Tournament at ang masuwerteng kalahok ay nag-uwi ng isang bagung-bagong kotse mula sa Geely Philippines.

SYLVIA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with