^

Pang Movies

Joyce, buntis na ulit!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Joyce, buntis na ulit!
Joyce

Natupad ang “tri” sa family name ni Juancho Tri­viño dahil may papara­ting na baby number 3 nila ng misis na si Joyce Pring.

Sa social media nai-share ng Juanchoyce couple na madadagdagan muli ang lumalaki nilang pamilya.

Sa Instagram, nag-post si Joyce ng video nila ni Juancho na “random” niyang sinusuri kung buntis siya sa kanilang ikatlong anak.

Sa naturang video, hawak ni Juancho ang isang pregnancy test na nagpakita ng dalawang guhit, na indikasyong buntis si Joyce.

Ayon sa post, due date ni Joyce kay Baby #3 ay sa May 2026.

“How did that happen?! We’ve been keeping a secret for the past five months… our babies will go from two to #THREEvinos this coming 2026! Praise God for another wonderful blessing,” caption ng mag-asawa.

Happy si Juancho dahil magkakasunod ang blessings na natatanggap niya sa taong ito. Lahat daw ng ito ay para sa growing family niya. Bukod sa pagiging segment host sa Unang Hirit, gumaganap bilang kontrabida ang Kapuso actor sa primetime series na Sanggang-Dikit FR.

Ikinasal sila ni Joyce noong 2020.

Kelvin, may patakam sa mga accla

Nag-viral sa social media ang mga sexy photos ni Kelvin Miranda na lumabas sa isang digital magazine.

Kung noong una ay laging pasilip lang sa kanyang abs ang Sparkle hunk, ngayon ay topless na siya at naglalakihan ang kanyang mga braso at six-pack abs na resulta ng ilang taong workout para sa kanyang pagganap bilang Sang’gre Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Marami nga raw mga acclang nauhaw at kailangan ng oxygen dahil sa sobrang hot ng pictorial ni Kelvin. Ginawa na raw wallpaper sa kanilang smartphones at laptop ang sexy photos ng aktor, samantalang ‘yung iba ay pina-blow-up pa ang photos para gawing poster.

Natutuwa nga raw si Kelvin dahil marami siyang mga napapasayang members ng LGBT community ngayong Pasko.

Natawa na lang ang aktor sa nag-comment na gawa raw ng AI o Artificial Intelligence ang kanyang magandang katawan sa mga photo.

Miss U owner, ‘di pa rin mahanap

Pinaghahanap pala ngayon ang owner ng Miss Universe na si Raúl Rocha Cantú. May arrest warrant na raw ang korte para sa kanya dahil sa organized crime case.

Wala raw si Cantú sa address na huli niyang tinirhan bilang protected witness para sa alleged crimes of organized crime, with the purpose of committing firearms and fuel trafficking.

Ise-serve sana ang warrant kay Cantú noong Dec. 15 galing sa Attorney General’s Office (FGR).

Si Cantú rin daw ang tinuturo sa diumanong pag-rig ng results ng 2025 Miss Universe kunsaan nanalo si Miss Mexico Fatima Bosch na ka-affair daw niya at partner sa business ang ama ni Bosch ayon sa isang nag-walk out na judge.

Ayon sa inside sources, kasama raw ni Cantú bilang fugitive ang dating owner ng MU na si Anne Jakrajutatip ng JKN Legacy na may arrest warrant naman sa Thailand for financial difficulties, debt defaults, and regulatory fines for misleading investors about the Miss Universe share sale.

JOYCE PRING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with