Sylvia, emosyonal!
Maituturing na advocacy film ang romance-drama movie na I’m Perfect mula sa panulat at direksyon ni Direk Sigrid Andrea Bernardo (of Kita Kita fame) kung saan ang mga pangunahing bituin ay mga first-time actors with down syndrome habang ang mga veteran stars and actors tulad nina Lorna Tolentino, Janice de Belen, Sylvia Sanchez, Tonton Gutierrez, Zayjian Jaranilla accepted their supporting roles in the movie na naging eye opener umano sa kanila. Nathan Studios’ producer and veteran actress Sylvia Sanchez admitted na hindi naging madali i-mount ang pelikula considering that their lead actors were persons with down syndrome.
Inamin din ni Sylvia that the first time that the project was pitched to her ni Direk Sigrid ay hindi umano siya nagdalawang-isip at agad niyang binigyan ng green light ang writer-director, bagay na hindi agad nito pinaniwalaan.
Hindi ikinakaila ni Direk Sigrid na nung 2009 pa umano niya sinulat ang I’m Perfect pero walang film producer ang interesado na ito’y sugalan.
Taong 2014 naman ay ginawan niya ito ng trailer which she presented to various producers at nitong 2025 ay naisakaturapan ang filming ng pelikula dahil sa Nathan Studios.
Aminado rin si Direk Sigrid na malaking challenge sa kanya ang filming ng I’m Perfect particular na raw pag may umiiyak (like kids) at hinihimatay kapag nao-overwhelm o sobrang excited. Memorization of their lines ay isa ring struggle.
Kaya hindi naiwasan na maging emotional sina Direk Sigrid, Sylvia, LT, Jace, Joey Marquez, and the rest of the cast dahil hindi naging madali para sa kanila na gawin at buuin ang isa sa eight official entries sa 2025 MMFF.
Kinu-consider naman ni Sylvia na angels ang sampung with down syndrome actors who were all there for her at a time na may pinagdaraanan ang kanyang pamilya. “Napaka-pure, organic at unconnditional ng kanilang love na ibinibigay at ipinapakita. Hindi judgmental at full of positivity,” ani Sylvia.
Ang people with down syndrome ay mga tao ring katulad ng bawat isa sa atin na may pakiramdam, natutuwa at nalulungkot.
Sa halip na sila’y kutyain at pagtawanan ay mas dapat silang unawain, mahalin suportahan.
- Latest




















