Mayayamang aktor, may bromance setup
Binigyan ng malisya ang komento ng isang aktor na mayaman at may entry ngayong festival sa isang mayamang aktor na visible sa showbiz pero wala nga lang suwerte sa showbiz career!
Eh bihira nang magkita ang dalawang aktor na matagal na palang close sa isa’t isa.
Pero ngayon, sa ibang aktor malapit ang walang suwerteng aktor. Malapit ang dalawa to the point na pinagdududahan sila, huh!
Kaya si naunang aktor, hayun, parang nakalimutan na siya. Feeling ng netizens, may selos factor na ang unang aktor!
Ang common denominator ng tatlong aktor, mayayaman! Pareho namang girl ang karelasyon.
Umiiral kaya sa kanila ang tinatawag na Bromance, Madame Prexy SA? Yummy rin kasi ang tatlong aktor, huh!
Taberna group, nagpasalamat
Ipinagdiwang ng TGC (Taberna Group of Companies) ang Kasama, Kasalo, Pasasalamat para sa katuwang nitong mga kumpanya nitong nakaraang araw sa Quezon City.
Isang taos-pusong pagtitipon sa kanilang business and media partners at sa pagsisimula ng programa, isang milestone video ang ipinalabas ng TGC sa loob ng isang dekada hanggang sa paglago ng apat na pangunahing kumpanya-Ka Tunying’s restaurants, Kumbachero Food Corporation, Taste of the Town Catering at Outbox Media Powerhouse Corp.
Nagbigay ng inspiring message si Madame Rossel Taberna o Mrs. T, COO o Chief Operations Officer ng TGC. Bahagi ng mensahe ni Rossel, “Dito sa TGC. Namumuno at naglilingkod kami nang may puso at pasasalamat.”
Of course, nagbigay rin ng pasasalamat ang anak nilang si Zoey na gumaling sa sakit nitong leukemia.
Mabuhay kayo, Ka Tunying at Rossel, na nakapagpatayo na ng sariling TGC Building!
- Latest




















