^

Pang Movies

Lito, nasasaktan pa rin

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Lito, nasasaktan pa rin
Lito

Hindi ikinakaila ni Sen. Lito Lapid na high school lamang ang kanyang inabot at hindi na siya nakatungtong sa kolehiyo nang maging abala na siya sa kanyang showbiz career.

Taong 1968 nang pasukin ni Lito ang industriya sa pamamagitan ng pelikulang Leon Guerrero, isa sa mga pelikulang tumatak sa kanya dahil dito niya naipakita ang kanyang husay sa action stunts na siya rin mismo ang gumawa, ang husay sa  pangangabayo at bilis sa baril.

Dekada sitenta at otsenta nang mamayagpag nang husto si Lito bilang action star at naging madalang na lamang ang kanyang paggawa ng pelikula nang kanyang pasukin ang larangan ng pulitika simula nung 1992 kung saan siya nanungkulang vice governor ng Pampanga, then governor hanggang sa maka-apat na termino na siya bilang senador.

Past forward.

Although sanay na umano siyang nalalait at naba-bash, hindi nito ikinakaila na nasasaktan pa rin siya. Pero sa halip na patulan ang mga patutsada laban sa kanya, ipinagsasawalang-kibo na lamang ito ng senador at nagpapatuloy lamang siya sa kanyang trabaho na pinagkatiwala sa kanya ng publiko.

Apat ang anak ni Sen. Lito sa kanyang wife na si Marissa Tadeo-Lapid with two boys and two girls habang may dalawa pang love child ang actor-politician na sina Manuelito (kay Melanie Marquez) at Ysabel Ortega (sa dating singer-actress na si Michelle Ortega).

Jay, bibida ulit sa pelikula

Isang story conference ang ginanap sa Pandan Asian Café last Thursday eve­ning ang bagong production outfit, ang A&S Film Production na may working title na Petsa de Peligro mula sa panulat at direksyon ni Neal ‘Buboy’ Tan. Tampok na mga bituin sa nasabing pelikula sina Jay Manalo, Patricia Javier at Bembol Roco kasama si Clint de Guzman at iba pa.

Isa itong drama-romance movie na inspired ng pandemya.

Ayon sa bagong producer, ang negosyanteng si Sucil Nipa (from Bacolod City), big fan umano ang isa sa kanyang mga anak ni Jay Manalo kaya nila kinuha ang actor.

LITO LAPID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with