^

Pang Movies

Born to be Wild, 18 taon na!

Pang-masa
Born to be Wild, 18 taon na!

Ngayong Nobyembre, higit 1,800 istorya na ang naibahagi ng Born to be Wild sa loob ng 18 taon. Mula sa pinakaliblib na sulok ng kagubatan, hanggang sa maalon na karagatan, hindi matatawaran ang kanilang dedikasyon na matulungan at makita ang iba’t ibang buhay ilang.

Kaya’t nagkaroon sila ng two-part anniversary special na Legacy of the Wild na nag-umpisa kahapon, Nobyembre 23, kasama ang hosts at wildlife warriors na sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato.

Inamin ni Doc Nielsen na bilang beterinaryo, minsan nakakapagdulot ng stress sa kanya ang paggamot sa mga hayop, pero dahil sa programa, mas nagkakaroon siya ng ibang pananaw at mas pagpapahalaga sa mga hayop.

“Actually, ang pagiging host ang siyang nagpapanatili sa akin ng matino. Ang pagiging vet ngayon, talagang nakakabaliw. Parang hindi ko siya (hosting) kino-consider na trabaho. Kasi itong ginagawa ng Born, isa itong adbokasiya,” paliwanag niya.

Naniniwala naman si Doc Ferds na nagdaragdag ng tiwala ng publiko sa kanilang mga kuwento ang pagkakaroon ng mga beterinaryo sa programa.

“Ang laking bagay na isang beterinaryo ang nag-host dito sa programa. Sa paglipas ng mga taon, talagang nakaipon kami ng sapat na karanasan at exposure na hindi naman na rin kahit papaano matatawaran bilang beterinaryo,” aniya.

Tumungo pa si Doc Ferds sa isa sa mga dulong isla ng Tawi-tawi para kilalanin ang mga pinahahalagahan na nilalang sa mga ilog at dalampasigan at itinuturing na ninuno at ‘apo’ ng mga residente roon — ang mga buwaya.

Sa mata nito, teritoryo pa rin daw na maituturing maging ang ilang lugar na tinayuan na ng tirahan ng mga tao, kaya nauuwi umano ang kanilang engkwentro sa buwis buhay na pag-atake nito.

Samantala, umakyat naman si Doc Nielsen sa matarik na kabundukan ng Davao de Oro para kunan at subukang lagyan ng tracking device ang isang juvenile o batang Philippine Eagle. Ito raw ang isa sa pinakabagong pugad na natagpuan ng Philippine Eagle Foundation. Pero hindi naging madali ang pag-akyat ng grupo sa napakalawak nitong teritoryo, lalo na’t bantay sarado umano rito ang mga magulang ng agila.

BORN TO BE WILD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with