^

Pang Movies

Cristine, buntis na nga ba?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Cristine, buntis na nga ba?!
Harvey Michael Alumisin at Cristine Reyes

Nagkagulo ang mga Marites sa Instagram post ni Cristine Reyes kung saan ay dumalo siya sa opening ng isang restaurant.

Makikita sa mga larawan na glowing siya at mukhang happy.

Pero dahil maluwag ang suot na damit, ang daming netizens na naghinalang baka preggy na si Cristine.

“Mukhang preggy pero still pretty.”

“Congratulations!!! blooming preggy.”

“Are you preggy po? ang ganda iba yung arwa mo mi”

“Parang preggy si tin.”

“Is she pregnant with whom?” komento ng iba niyang followers

Dedma pa si Cristine sa mga nasabing komento at sa halip ay ang ang kaibigan niyang si Harvey Michael Alumisin ang sumagot. Itinanggi niyang preggy ang aktres.

“HINDI PO BUNTIS SI CRISTINE! Malaki lang po Ang damit — nag ready po kasi sya sa mga kakainin Nya sa @milagrosa.1956,” ang komento nito.

Sinagot naman siya ni Cristine ng ““@harveyalumisin I LOVE YOU BESTIE! BALIK AKO SA @milagrosa.1956 FOR BAGNET.”

Sa kasalukuyan ay nali-link ang aktres sa dating National Youth Commission (NYC) chairperson na si Gio Tingson, pero wala pa siyang pahayag tungkol dito.

Kris, nilinaw ang nagging relasyon nila ni Anjo

Nilinaw ni Kris Aquino ang sinabi ni Anjo Yllana tungkol sa naging relasyon nila before.

Matatandaang last June ay nag-guest si Anjo sa vlog ni Snooky Serna at ini-reveal niya na naging girlfriend niya si Kris during their younger years.

Ikinuwento rin niya na 3 weeks lang daw ang kanilang relasyon at nag-break daw sila dahil kay Robin Padilla.

Tsika ni Anjo, minsang bumisita raw siya kay Kris ay may flowers daw nagpadala rito at nang tanungin niya kung kanino galing ay sinabi raw nitong kay Robin.

Inamin daw ni Kris na boyfriend niya si Robin kaya naloka si Anjo dahil pinagsabay sila.

Paglilinaw ni Kris sa kanyang pinakabagong Instagram post, wala raw kasabay si Anjo that time. At hindi 3 weeks lang ang itinagal ng kanilang relasyon dahil nag-celebrate pa sila ng kanilang first monthsary.

“Anjo Yllana You filled my room with pink balloons for our first monthsary (hindi ako proud but he said at he started we didn’t last 3 weeks because pinagsabay ko sila ni Robin. Wala syang kasabay,” ani Kris.

Ni-recall din niya ‘yung time na dumalaw si Anjo at dumating din ang isa niyang bisita na  tinawag niyang Mr. Surprise.

“Anjo, ano ba, we were ouside my mom’s house hinatid mo ko- may naghihintay. It was a big surprise for me & you. You left with these parting lines: mukhang naka­kagulo ako, fyi girlfriend ko sya, kahit feeling ko pag gising ko wala na. The Surprise: Girlfriend mo harapan mong binabastus. You don’t trust her? Dumalaw ako dahil isang buwan akong abroad, dala ko yung pasalubong ko… Diba mauuna ka na? I stood unmoving, staring at the floor.)” pag-flashback ni Kris.

“Disclaimer i was 21,Anjo was 23-24, Mr. Surprise was 23,” sey pa niya.

Aliw na aliw ang mga netizens dahil halatang maganda raw ang kundisyon ng kalusugan ni Kris ngayon since sumasagot na sa mga issues.

Anyway, walang bagong health update si Krisy, pero sa ipinost niyang picture kung saan ay nakasakay sila ni Bimby sa car ay makikitang nagkalaman na ang kanyang pisngi at maaliwalas ang kanyang mukha. Kaya naman masayang-masaya ang supporters ang prayer warriors niya na makitang bumubuti na ang kanyang kalagayan.

CRISTINE REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with