^

Pang Movies

Kathryn, sinusulsulang magdemanda

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kathryn, sinusulsulang magdemanda
Kathryn Bernardo.
STAR/ File

Pinakakasuhan kay Min Bernardo ng fans ni Kathryn Bernardo ang mga naninira sa anak niya para raw masampolan ang walang tigil na naninira sa aktres. Kasunod ito sa panawagan ng mom ng aktres na ‘wag gamitin ang name or image sa mga platform, lalo na kung hindi totoo o spliced ang ibinabalita.

May nag-suggest naman na ipa-take down ang mga post ng mga namba-bash kay Kathryn para hindi na mapanood ng iba at para hindi na kumalat. Panahon na rin daw na turuan ng leksyon ang mga ito.

May fans naman ni Kathryn ang naniniwala na mas maganda sana kung ang aktres na mismo ang nagsalita o nanawagan sa bashers na tigilan siya sa pagpapakalat ng fake news. Katuwiran nila, 29 years old na ang anak niya at panahon na para ipagtanggol ang sarili.

On the other hand, mas marami ang naintindihan si Min, nanay raw ito na nasasaktan para sa anak. Alam daw nito na nasasaktan ang anak, kaya nga nagsalita na siya.

And speaking of Kathryn, may title na ang upcoming series na pagbibidahan ng aktres kasama sina James Reid at Maja Salvador. Someone Someday ang title na comment ng fans, sa title pa lang, mapanakit na.

Yeng, nagpapatulong sa anxiety

Ang daming sumagot kay Yeng Constantino nang mag-tweet ng “Anong coping mechanism nyo pag inaatake kayo ng lungkot or anxiety?” at may hashtag siyang #gustokolangsumaya.”

Ang ganda ng mga sagot kay Yeng ng netizens na nakabasa nito. Walang nag-mock sa kanya, walang nanghusga at walang nanisi. Lahat ay nagpayo ng mga dapat niyang gawin para hindi maramdaman ang kanyang mga binanggit.

Karamihan sa suggestion sa kanya ay magdasal. May nag-suggest naman ng ice cream therapy at ‘yung isang netizen, kumain daw siya ng junk foods at chocolate.

Mag-food trip daw siya, umiyak kung kinakailangan o ‘di kaya’y matulog. Nakakatulong din daw ang makipag-usap siya sa kaibigan o kaya’y mag-drive, maglakad, mag-shopping, mag-relax, kumain ng comfort food or listening to music.

Sa nag-suggest kay Yeng ng for anxiety, gentle nervous reset tapping lang ang kanyang gawin. It turns out na ito rin ang itinuturo sa kanya ng kanyang husband at marami ang nagsabing effective, kaya siguradong gagawin ni Yeng.

Ang daming naka-relate na naramdaman din ang nararamdaman ni Yeng at ang iba nga, tini-take down notes ang mga suggestion kay Yeng dahil gagawin din nila. Nakakatuwa na ang daming nagre-reach out sa mga ganitong sitwasyon, kailangan lang maging open at i-share ang nararamdaman para matulungan.

KATHRYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with