Globe, tutulong sa mga sinalanta!

Minarkahan ng Globe ang panahon ng pagbibigayan at pagkakaisa sa pamamagitan ng ikalawang yugto ng The Blueprint by Globe kasabay ng pagtatapos ng taon sa The Globe Tower, Bonifacio Global City.
May temang Lighting Up the Season with Purposeful Connectivity and Meaningful Connections, itinampok dito kung paano patuloy na hinuhubog ng Globe ang digital lifestyle ng mga Pilipino.
Binigyang-pansin din nila kung paano nagbibigay-daan ang strategic collaborations, inclusive platforms at customer-first solutions sa tuluy-tuloy, ligtas, at patas na access sa mahahalagang serbisyo, na nagbibigay-kapangyarihan sa mga Pilipino na umunlad sa trabaho, pag-aaral, at pang-araw-araw na buhay.
Mula sa maaasahang 5G at AI-powered experiences hanggang sa seamless connections sa loob at labas ng bansa, patuloy itong bumubuo ng teknolohiyang may layunin na pinatutunayan na ang tunay na pag-unlad ay hinihimok ng malasakit.
Kagaya na lamang ng sunud-sunod na kalamidad na nangyari sa bansa kung saan tinamaan ng matinding lindol at bagyong Tino ang Visayas at Mindanao, nangangako ang Chief Sustainability and Corporate Communications Officer na si Yoly Crisanto na personal nilang pupuntahan ang mga sinalanta sa Cebu upang magsagawa ng volunteerism at relief efforts.
Bukod sa restoration ay meron silang handog na free calls o libreng tawag na aniya ay kanilang “small way of giving back” sa kanilang komunidad dahil mahalaga para sa kanila na konektado ang bawat isa.
Tinitiyak din ng Globe na nananatiling konektado ang bawat Pilipino sa tahanan man o sa ibang bansa, lalo na ang Overseas Filipino Workers (OFWs), sa pamamagitan ng GoRoam na may “roam like a local” offer para sa leisure travelers, at sa Roam Kabayan 3-in-1 pack para sa OFWs na malapit sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng affordable call, text and data bundles, at sa AI-powered partnerships ng Globe At Home.
“For those moments when you just want to check in back home, you want to manage your itinerary online, those hassles, they shouldn’t exist. So that’s where GlobeRome comes in. It’s all about giving every Filipino the confidence to travel, explore, work, and even live abroad while staying close to family, protected from the unexpected,” ayon naman kay Paula Rivera-Castillo, Head of International Business.
Mula sa pagkokonekta ng mga pamilya, guro, creator, hanggang sa mga changemaker, nababago nila ang simpleng koneksyon na maging komunidad sa pamamagitan ng The Globe Student Program at The Globe Caravan.
- Latest





















