Mark, may bagong karelasyon!

Hindi itinanggi ni Mark Bautista na may espesyal na tao na nagpapatibok ngayon ng kanyang puso.
“Kung espesyal, meron. And my heart is in the right place,” ngiti pa niya.
Hindi raw ito inaasahan ni Mark at dumating na lang daw ang naturang tao na naramdaman niyang komportable siyang kasama.
“I think dumating. And I think na-feel ko na parang, ‘Ay, shocks. Ito ‘yung taong komportable ako na… I can be myself,’” sey ni Mark.
Inamin ni Mark na dumating daw noon na nawalan na siya ng tiwala pagdating sa pag-ibig.
“Parang nafu-frustrate ako dahil parang feeling ko, ‘Ako ba ‘yung may problema?’ Parang gano’n. Masyado ba akong choosy? Or masyado ba akong hindi na marunong magmahal ba?”
Taong 2018 noong aminin ni Mark na siya ay isang bisexual. Hindi lang niya nabanggit kung babae o lalaki ba ang dine-date niya sa kasalukuyan.
On Nov. 9, mapapanood si Mark bilang isa sa mga hurado sa segment na Veiled Musicians Philippines sa noontime variety show na All-Out Sundays kasama sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, at Tiffany Young ng Girls’ Generation.
Sexbomb, issue pa rin ang problema sa TF
Wala na raw problema sina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia sa dati nilang manager na si Joy Cancio.
Nilinaw ng dalawang former Sexbomb Girls na maayos na ang lahat with Joy. Nagsimula raw lahat noong i-ban ng Eat Bulaga si Joy sa studio at nadamay ang Sexbomb Girls.
“Kasi ang nangyari sa ‘min, isang araw, hindi na lang kami nagkita, hindi na lang kami pumasok. Naging dalawang araw, naging one week, naging one month, naging one year, naging dalawang taon, hanggang sa sanay na lang kami na hindi kami nagkikita-kita. Kasi, naiintindihan namin ‘yung point ni Ate Joy, nagkakaroon kasi ng problema. But kailangan naming gawin ‘yung trabaho namin. Ano po ang uunahin namin?” sey ni Rochelle.
Sey ni Sunshine: “Parang hindi namin alam kung kailangan pa ba natin i-open, hayaan na lang natin, kasi baka mamaya ‘pag in-open natin, merong mga sugat na mabuksan ulit, lumala.”
Naging issue rin noon ng grupo ang pagkakalulong daw ni Joy sa pagsusugal at nagamit daw niya ang suweldo nila kaya ilang buwan daw silang naghintay para mabayaran.
Bastusan sa Miss U, naayos na!
Lumalala ang gulo sa Miss Universe pageant sa Thailand.
Nag-walk out ang maraming contestants kasama ang reigining Miss Universe Victoria Kjær Theilvig dahil sa ginawang verbal abuse ng national director ng Miss Universe Thailand na si Nawat Itsaragrisil.
Sinabihan ni Nawat si Miss Universe Mexico Fatima Bosch na “dumb” sa harap ng maraming tao at pinagbabawalan niyang magsalita at nagtawag pa ng security. Doon nagalit ang maraming contestants dahil sa kabastusan ni Nawat.
“No woman, under any circumstance, deserves to be insulted or humiliated,” sey ni Miss Universe Mexico.
Para maresolba ang problema, makikipagpulong si Nawat sa Miss Universe Organization (MUO) mismo sa Thailand. Nag-apologize ito sa mga nasabi niya.
“But I did talk, apologize to the rest of the girls in the room. Around 75 girls in the room already.
“It’s difficult to control because of the daily events. Being posted about has made it harder for people to access the beauty queens. My patience has limits.
“I apologize again if I made anyone uncomfortable while watching Universe this time,” dagdag niya.
Nag-release ng official statement ang MUO at sinabing “such initiatives do not represent the values, operations, or official activities of the Miss Universe Organization.”
Gaganapin ang Miss Universe 2025 pageant sa Nov. 21, at si Ahtisa Manalo ang pambato ng Pilipinas.
- Latest




















