^

Pang Movies

Maxene, pilit na nilalabananang depression

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Maxene, pilit na nilalabananang depression
Maxene

Inamin ni Maxene Magalona na tumodo siya ng iyak.

Na-realize niya raw na ang depresyon ay nangyayari kapag hindi natin hinahayaan ang ating sarili na ipahayag ang ating tunay na nararamdaman.

Sabi niya sa kanyang post: “After so many months of putting on a strong and positive front, I finally had a huge cry this morning

“I realized that depression happens when we don’t allow ourselves to express our true feelings. In a world where we are heavily conditioned to suppress our emotions, we must learn how to unlearn old beliefs and start practicing authentic living. Cry when you need to, celebrate when you’re happy and then let it all go. Do not attach to anything, whether “good or bad.” Life goes on. Honoring your emotions keeps you healthy while denying them keeps you stuck. Do not be afraid to feel your pain. God is always with you.”

At may ibinigay siyang mga numero sakaling kailangan ninyo ng kausap.

“When you are feeling alone and desperately need someone to talk to, you may call the @bfp_ncr #KalingangBumbero hotline at 0962 4584 237”

May isang actress akong kakilala na diumano’y kailangan ding bantayan dahil sa matinding anxiety at depression na pinagdaraanan.

Paraiba ring, ayaw tantanan ng mga adik sa alahas

Tuwang-tuwang nadiskubre ng isang jewelry lover na nakilala ko sa social media matagal na naghahanap ng six-carat Paraiba Tourmaline ring. Chat niya kahapon, nakahanap daw siya ng naturang gemstone for P480,000!

Usung-uso ito ngayon kaya nahihirapan daw siyang makabili noong una.

Pero nang mag-appear daw sa Facebook feed niya nitong Miyerkules ang isang online seller na naka-live mula sa Japan, parang hulog daw ito ng langit!

Ayaw magpabanggit ng pangalan ng jewelry lover ng kanyang tunay na pangalan for privacy and security pero tatawagin natin siya sa pangalang Ate Perla.

Sabi ni Ate Perla, na-curious siya sa live selling na lumabas dahil sa algorithm ‘pag nanood ka ng isang live-selling session.

Ayon kay Perla ang mga ipinapakita ng seller ay natural diamonds, birthstones, at iba pang gemstones na naka-set sa yellow gold, white gold, rose gold, or two-tone gold.

 At na-excite raw siya nang isa-isang i-flex nang live seller ang hikaw at singsing na may Paraiba Tourmaline. Pero mas lalo daw siyang kinilig nang biglang binanggit ng live seller na meron daw siyang four-carat, five-carat, at six-carat Paraiba stone rings.

On-the-spot na kinuha ng seller ang tatlong singsing ng naglalakihang bato na Paraiba Tourmaline mula sa kanyang supplier, isinuot ang mga ito sa bawat daliri at saka finlex para sa mga manonood.

“Grabe ‘yung nandilat talaga ang mga mata ko kasi ang laki at ang kinang ng mga bato, parang mga bituin sa harapan ko!” sabi pa ni Ate Perla.

At lalo rin daw siyang nasorpresa nang i-announce ng seller ang presyo nung six-carat Paraiba Tourmaline ring: “This is P900,000 but I can give this to you ng P480,000. Pwede pa hulugan, mga madam,” kwento nya.

Nagulat din daw ang mismong live seller na hindi mil­yon ang halaga ng Paraiba rings kaya’t hinikayat nito ang mga manonood na bumili na dahil nakaka-Heart Evengalista raw ang singsing na iyon.

“Shocked ako kasi akala ko mahal iyon, like milyones. Kasi sabi sa mga reels na nakikita ko sa internet, sa TikTok, sa FB, milyun-milyon daw iyon. Pero hindi naman pala,” ani Perla.

Dali-dali raw siyang tumawag sa kanyang partner para ibalita ang nadiskubre sa online live selling ng mga alahas. Sabi ni Perla, nagulat din ang partner niya sa kanyang ibinalita.

Hindi na binanggit ni Perla kung tuluyan niyang binili ang Paraiba ring na nakita niya sa live selling na iyon.

Ang bottomline talaga, hindi dapat agad maniwala.

Kaya may punto rin si Sen. Tito Sotto dapat ba talaga gawing isang legit story ang mga sinabi ni Anjo Yllana or kung totoong legit  dapat may supporting documents.

Tulad din sa nasabing Paraiba Ring na sinasabi nilang P56 million sa mga news at videos na lumalabas pero hindi naman pala totoo.

Or ‘yung nangyari kay Emman Atienza na talagang ang laki ng epekto sa mga Gen Z.

Dinadagsa ng mga nakikiramay ang pamilya ni Emman na isang TikTok star at hindi inasahan na nagawa niyang tapusin ang kanyang buhay.

Sa post ni Kim Atienza ay nagpasalamat na siya sa anak: “Thank you for the meaningful 19 years of my dearest Emmansky Lord. She shall forever live in our hearts.

“A little kindness everyday.”

Anyway, nagtipon ang mga kaibigan at kapamilya sa Heritage Memorial Park sa Taguig City habang nagbibigay-pugay kay Emman Atienza kahapon.

Isang panukalang batas na ang inihain sa Senado, na naglalayong parusahan ang cyber libel, online hate speech, at harassment, kabilang ang mga expression na  nag-uudyok ng hatred o discrimination batay sa kasarian o sekswalidad ng isang tao, cyberstalking, at ang pagbabahagi ng pribadong impormasyon na hindi alam ng mga taong involved bilang parangal kay Emman Atienza.

MAXENE MAGALONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with