^

Pang Movies

Rita, inaming siya ang nagparamdam kay Mclaude!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Rita, inaming siya ang nagparamdam kay Mclaude!
Rita at McLaude

Sabay na nagpa-interview sa Fast Talk with Boy Abunda sina Rita Daniela at ang kanyang new boyfriend na si Mclaude Guadaña, dating model and LPU Pirates player para ibahagi kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Kwento nila, nagsimula raw ang lahat dahil kay Saviour Ramos, ang anak ni Wendell Ramos.

Tsika ni Rita, nakita raw niya sa Instagram post ni Saviour si Mclaude at nakyutan daw siya rito.

“So, as ako, as a fierce woman, wow, bilang palaban, finollow ko, pero sa totoo lang, naglakas-loob akong i-follow siya kasi mukha siya talagang suplado, eh.

“’Yung parang ‘hindi naman ‘to nababakante, for sure, may girlfriend ‘to, so okay lang. Eh finollow back ako, Tito Boy. Siyempre, nung finollow back ako, gumalaw tayo agad. Ako ‘yung unang nag-message,” pagbabahagi ng aktres.

Pero emoji lang naman daw ang kanyang message, walang words.

Kwento naman ni Mclaude, nang matanggap niya ang message ni Rita ay sumagot naman daw siya agad ng “hi, Miss Rita Daniela.”

At kasunod nito ay naging napaka-smooth daw ng pangyayari. Naging non-stop na raw ang palitan ng kanilang mensahe sa loob ng three days.

“Tapos, he asked me out on a date,” sey ni Rita.

Ikinuwento rin ni Mclaude kung kailan naging official ang relasyon nila ni Rita. Nangyari raw ito sa kotse nang ihatid niya ang aktres.

“Hawak ko ‘yung mukha niya, sabi ko, ‘pwede na ba kitang maging girlfriend?’ Nu’ng sumagot siya…” tumigil si Mclaude sa pagkukuwento at sey niya kay Rita, “kwento mo, love.”

Sabi naman ng aktres, “pinaintindi ko lang sa kanya ‘yung weight nung sagot ko, kasi, of course, I know naman na I will say ‘yes,’ it’s just that, sabi ko hindi deserved ni Uno na makita ako na umiiyak nang dahil lang sa isang lalaki.”

Si Uno ang baby ni Rita sa kanyang previous relationship.

“Marami akong tinanong sa kanya (Mclaude), kung kaya ba talaga niya, is he really sure about me, and then he asked again,” ani Rita.

Tinanong daw siya ulit ni Mclaude ng “can you be my girlfriend?” pero hindi raw muna siya sumagot at nagdasal daw muna siya.

“Hawak-hawak ko ‘yung kamay niya, humingi ako ng blessing from God, and then, I said, ‘yes, I can be your girlfriend,’” pagre-recall ni Rita.

Ang sumunod na tanong ng host na si Boy Abunda ay kung tumuloy ba sa kiss ang eksenang ‘yun at hindi naman nagkaila si Mclaude and said, “yes.”

Naging emosyonal naman si Rita habang sinasabi kung paano niya nalampasan ang mga unos na pinagdaanan at kung gaaano siya kasaya ngayon.

“Sinong mag-aakala na sa mga panahong talagang nasa storm ako na feeling ko, hindi natatapos, but ngayon po, grabe, sobrang ramdam na ramdam ko si Lord kaya lang po ako naiiyak at nagiging emosyonal.

“Tama po ‘yung sinabi Niya, ‘you just keep (your) faith and maging mabuti ka lang during you waiting season, because everything will be worth it,’” pahayag ni Rita.

RITA DANIELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with