Coco, ginulat si Boyet!

Pinakadakilang biyaya at tunay na tahanan ang birthday highlight ng pagbati ni Julia Montes sa karelasyong si Coco Martin kahapon, Nov. 1.
May nagsasabing kasal na nga diumano sila at may dalawang anak na pero wala pa rin silang sinasabi kaya mananatili ‘yung ispekulasyon lang.
Nauna nang naipaliwanag ni Coco na kaya producer na rin si Julia ng FPJ’s Batang Quiapo ay dahil ito na pala ang namamala ng finances ng teleserye.
“Kung mapapansin n’yo nandu’n siya sa Batang Quiapo ngayon as a producer. Kasi dalawa kaming nagtutulungan, eh. Ang ginagawa ko kasi, lahat ng mga finances, siya. Basta sa creative ako. Ako lahat, sa production, lahat. Kaya kaming dalawa, sabi ko nga, ang ginagawa ko talaga, as a partner,” paliwanag ni Coco kay Karen Davila.
Samantala, nagpakita ng panibagong buwis-buhay na action stunts si Coco sa Kapamilya teleserye para iligtas ang karakter ni Christopher De Leon na nasa bingit ng kamatayan na binigyan nila ng birthday surprise sa taping.
Isa sa mga tinampok sa maaksyong eksena ang paglambitin nina Coco at Christopher sa isang mataas na gusali habang nakatali sa kadena at nakikipagbarilan.
“‘Yung challenge namin dito is how to come up with a new setup na magiging exciting para sa mga audience. Ang challenging dito more than the action scenes mismo is the execution ng stunts,” kwento ng isa sa mga direktor ng serye na si Richard Somes sa behind-the-scenes video na inilabas ng CCM Film Productions.
Sa kasalukuyang takbo ng kwento, nagtagumpay si Tanggol (Coco) sa pagligtas sa ama niyang si Ramon (Christopher) matapos itong dukutin ng grupong Red Phoenix. Sa kabila ng patibong ng kalaban, mag-isang napatumba ni Tanggol ang sangkatutak na armadong lalaki bago dumating ang tropa upang tulungan sila sa pagtakas.
Matapos ang matinding balakid sa kanilang buhay, pinaplano na nina Tanggol at Ramon ang pagkamit ng hustisya. Sa ngayon, uunahin nila ang paghihiganti laban sa mortal nilang kaaway na si Divina (Rosanna Roces) at ang makapangyarihang pamilya Guerrero.
Samantala, maniningil na rin ng katarungan si Ponggay (Maris Racal) sa nagbabadyang paghaharap nila ni Rockyboy (Baron Geisler), ang tao sa likod ng karumaldumal na pang-aabuso kay Dimples (Criza Taa) na ngayon ay nag-aagaw-buhay sa ospital.
And speking of Christopher, parang wala siyang ka-idea-idea na may birthday surprise sila Coco sa kanya.
Kunyari kasi ay natutulog siya sa eksena tapos sumigaw ang direktor ng ‘gising’. Ayun, paggising niya may cake at andun si Coco na panay naman ang pasasalamat sa award-winning actor na inspirasyon daw nila.
But anyway, parang totoo rin ang narinig kong kwento na gusto na talagang magsarili ni Coco. Ayaw na niyang nakatali lang sa isang network.
Matapos diumano ang signing ng partnership nila ng Reality MM Studios nina Dondon Monteverde at Erik Matti, sa TV5 naman pipirma ng kontrata si Coco para sa movie project din.
- Latest




















