Quezon, mas pinag-interesan!

Katulong ang pagmumura ng kadugo ni former president Manuel L. Quezon sa isang talk back para dagsain ang pelikulang Quezon starring Jericho Rosales.
Punuan ang ibang mga sinehan at ang ibang nanonood ay nakabarong pa.
Ahh ‘entertaining’ ang bahagi ng buhay ni Quezon na tinalakay sa pelikula na hindi pinaboran ang imahe ng dating presidente ng Pilipinas.
Very light ang naging atake ni Direk Jerrold Tarog pero malalim ang kuwento na tungkol sa ginawa ni Quezon para makuha ang independence ng ating bayan.
Nauna na ngang nagmura si Ricky Avanceña tungkol sa kwento ng pelikula ng TBA Studios.
Makikita sa mga videoclip na nung sinubukan ni Jericho na sumagot ay sumigaw si Mr. Avanceña na patapusin siyang magsalita ng one minute at idiniin niya roon na sinalaula raw ng pelikula ang alaala ng kanyang lolo.
Satire pala raw ang pelikula at hindi biopic.
Bukod kay Mr. Avanceña, nagsalita rin ang isa pang kadugo ni Quezon, si Pinky Amador.
“MLQ Tinokhang sa Pelikula: History Weaponized,” sabi ni Ms. Pinky sa isang post na ang haba ng mga sinabi tungkol sa reklamo niya rin sa kuwento ng pelikulang isang certified box office na.
Pero sa totoo lang, maayos ang pelikula, nakakabilib.
Entertaining pero ‘yun nga, kung ang hinahanap mo ay isang seryosong pelikula na maglalahad ng kasaysayan ay medyo may lihis na bahagi.
Walang duda na higante ang proyekto at nagawa nila ang gustong ipakita.
Kasalukuyan na itong nasa 3rd week at showing sa almost 200 cinemas nationwide.
- Latest





















