Keempee, embarrassed, devastated, ashamed!

Mabilis at marami agad ang nag-reach out kay Keempee de Leon dahil sa kanyang post na “What I’m feeling today... Devastated, Embarassed and Ashamed.”
Ang kasamang photos sa kanyang post ay someone na nakaupo at nakahawak sa kanyang ulo.
Makikita sa photos na may malaking problema nung nasa larawan at ang emojis, may umiiyak at malungkot.
Nakakatuwa na marami ang nagpadala ng mensahe kay Keempee, maganda ang mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan at ini-encourage siya to keep on fighting.
May nag-comment pa na tawagan lang silang mga kaibigan niya ‘pag kailangan niya ng makakausap at ng tulong.
Pati followers ng aktor sa social media, nag-reach out at nagtanong kung paano sila makakatulong?
May nagpaalala na maraming nagmamahal sa kanya and to keep on fighting. May nagpayo pa na kung kailangan niyang umiyak at sumigaw, gawin niya.
Be with his family and friends ang isa pang payo sa kanya at sabihin niya sa pamilya o mga kaibigan kung may problema siya at kung may bumabagabag sa isip at puso niya.
Sana nga, ginawa niya ang payo ng isang netizen na “Speak up.”
Sinundan ng isa pang payo na “Even when it feels heavy, please remember you’re not alone in this. You don’t have to be okay all the time... Just keep holding on... you’ll get through this...”
Siguradong nabasa ni Keempee ang messages at sana kahit papaano, gumaan ang kanyang loob.
Marami rin ang nagdarasal para sa anak ni Joey de Leon.
Sana nga ay malampasan ito ni Keempee.
Kuya Kim, tuloy ang pakiusap na kindness
Ang caption ni Felicia Atienza (mom ni Emman Atienza) na “Bravest hearts build others-not break them. #choosekindess” na patungkol sa mga not so nice comments ng netizens sa anak nila ni Kim Atienza.
Kasunod ito sa naunang post ni Kim na “compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life.”
Para pa rin ito sa netizens na kung anu-ano ang mga sinasabi at kinu-comment sa nangyari kay Emman, eh hindi naman natin alam ang totoong nangyari.
May isa pang post si Kuya Kim na ikinalungkot ng mga nakabasa.
Hindi lang kami sure kung kasama sa song ang caption ni Kim, pero marami ang naantig sa napanood.
Hindi natin masasagot pare-pareho ang tanong na “Bakit Emman?” dahil wala na ang sasagot sa mga tanong na ‘yan.
Sarah, pinagtawanan ang hanash sa kanila ni Derek
Ang reaction post ni Sarah Lahbati sa pagkakadawit niya sa isyung hiwalayan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Sabi ni Sarah, “Every Sunday may hanash while i mind my own business hahahaha.”
Hindi naman galit si Sarah at tinawanan pa nga ang isyu. Pinost na rin nito ang convo nila ni Ellen kung saan, nagsumbong si Sarah na siya ang tinukoy ni Ogie Diaz na reason ng breakup nina Ellen at Derek. Biro ni Sarah, “Ogie Diaz na to may galit talaga sakin.”
Naka-post din sa Instagram ni Ellen ang convo nila ni Sarah tungkol sa isyu na pagkadawit ni Sarah sa kanila ni Derek. Nakakatawa ang comment ni Ellen kay Ogie, pero hindi siya galit at tinawag pang “bayota” si Ogie na ibig sabihin, “beki.”
Si Sarah naman, pinost ang photos ng parents at kids niya chilling on a Sunday morning o afternoon ba ‘yun.
- Latest



















