^

Pang Movies

Sofia, inisyuhan sa pagka-hack sa tiktok

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sofia, inisyuhan sa pagka-hack sa tiktok
Sofia Andres

May kasabihang “hindi mabibili ng pera ang class” na nangangahulugan na ang mabuting asal, good manners, taste, at pagiging sosyal ay hindi mga bagay na mabibili ng pera. Sa halip, ang mga katangiang ito ay nabuo sa pamamagitan ng pagpapalaki, mga exprience, at upbringing, at makikita sa kanilang pag-uugali, paggalang sa iba, at sa kabuuang pagkatao.

Sabi nga nila, bagama’t ang isang tao ay maaaring bumili ng mga mamahaling damit o accessories para magmukhang mamahalin, pero ang kanilang pagsusuot ng mga ito nang may poise at ang kanilang natural na pakiramdam ay iba sa totoong lumaki sa may class.

Anyway, kinokonek nga ito ng iba sa kontrobersiya at bardagulan ng dalawang Kapamilya stars na may karelasyong mayayaman - sina Sofia Andres and Chie Filomeno na biglang mga naging hot item.

Parang ilang araw na silang pinag-uusapan dahil nga sa parinigan nila sa social media.

Si Sofia ay karelasyon si Daniel Miranda habang si Chie ay diumano’y karelasyon ngayon ni Matthew Lhuillier.

At ang latest ay nag-post si Sofia na na-hack daw ang Tiktok account niya “My TikTok has been hacked and also using my other accounts. Be careful.”

Grabe ang mga comment ng followers niya na expected na raw na ‘yun ang sasabihin ni Sofia matapos ang pasabog ni Chie na diumano’y nag-hire siya ng influencers para nga atakehin diumano ang huli.

Panay din ang tanong sa kanya (Sofia) kung ba’t di siya sumasagot sa mga sinasabi ni Chie.

Sa ngayon, ang pino-promote niya ang The Alibi nina Kim Chiu and Paulo Avelino na ipapalabas ang serye sa Nobyembre 7, na may mga bagong episode linggu-linggo sa Pilipinas at higit sa 240 bansa at teritoryo, eksklusive sa Prime Video.

Pero para sa iba, may meaning ang caption ni Sofia sa pagpo-promote niya nito : “You played the victim so well.

But victims don’t ruin homes and call it destiny.

— Claudia in The Alibi on Prime Video

Derek at Ellen, hindi na pinapatulan

Hindi na pinag-uusapan lately sila Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Panay ang tanggi ng mag-asawa na hiwalay na sila pero hindi naman sila nakikitang magkasama sa mga post nila.

Lately, ay laging magkasama sina Ellen at ang best friend niyang si Beauty Gonzales.

Well, sabi ng insider baka nga raw inaayos nila at sinusubukang isalba pa ng marriage.

Anyway, diumano ay may kinalaman sa investment ang naging dahilan diumano ng pagkakaroon ng problema nina Derek at Ellen. totoo ba na nag-invest si Derek pero nagkaroon ng problema?

SOFIA ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with