Female personality, walang laman ang utak!
Naku, may bobita na naman palang female personality na pinag- audition para maging segment host ng isang lifestyle show sa steaming app.
Maganda, matangkad, at artistahin ang awra. Pero ang laki ng problema nang sumalang sa audition. Kapos ang kaalaman, huh!
Eh sa segment na dapat siya ang host, may inputs siya dapat o opinyon! Nakakapagsalita naman siya nang maayos na English! ‘Yun nga lang, walang sense ang sinasabi! Walang kuneksyon sa main topic!
Eh nang gusto na ng boss nila na tingnan ang audition piece ni female personality, hindi na nila ito ipinakita at sinabi na lang na walang laman ang sinasabi!
Still around ang female personality na hanggang panlabas na anyo lang ang kaaya-aya!
MMFF four finalists, napili na
Bukas, Biyernes, ang announcement ng last four finalists sa 2025 Metro Manila Film Festival.
Sa auditorium ng Unibersidad ng Makati ang venue dahil ang Makati City ang in charge ngayon taon!
Base sa finished film ang basehan ng pagpili bukod sa criteria ng MMFF.
Malalaman bukas kung gaano karami ang nag-submit ng kanila produkto na papasa sa Screning Committee!
- Latest




















