^

Pang Movies

JM at Donnalyn, kasal na?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
JM at Donnalyn, kasal na?!
Donnalyn Bartolome at JM de Guzman

Engaged na ba sina JM de Guzman at Donnalyn Bartolome?

Sa latest Instagram post kasi ni Donna ay proud na ini-reveal niya ang plano ni JM na pakasalan siya. In fact, noon pa man ay asawa na nga raw ang tawag nito sa kanya.  “Dun tayo sa lalaking may plano sa atin. Ang oras natin mahalaga,” simula ng content creator.

“Sharing thoughts for all the women out there like me. Women are born with all the egg cells they’ll ever have in their life. Wasting our time should be a crime,” patuloy pa niya.

Kasunod nito ay binalikan ni Donna ang matiyagang panunuyo ni JM sa kanya with marriage in mind. “A blessing for me, on April 11, 2023 this man started calling me his wife hindi ko pa siya sinasagot. Posting my face on the internet hindi pa kami. Binakuran ako sa lahat ng nanliligaw sa akin making sure no one else stood a chance!” aniya.

“Maghihintay ako basta pakakasalan mo ako ah..” ang sabi raw ng aktor sa kanya that time.

“Naghintay ng isang taon and after ko siya sagutin, introduced me as his ‘asawa ko.’ to people and his family, certain that I will be. In this conversation, I asked what are we doing, you know… just for clarity, and I got this response—“The Plan. Now that’s a MAN!” kwento pa ni Donnalyn.

Pagmamalaki pa niya tungkol sa boyfriend, “His happy place pa daw is marrying me, chose a wedding dress peg he likes and everything. Hindi nakuntento, nagpost pa ulit. Sabi ko, wag nalang namin gawing public, private relationship nalang AYAW NIYA. Kaya kahit I don’t normally publicize my relationship, I did. I followed his lead. Now I understand, ganun nga naman talaga dapat: intention, wag ilusyon. Don’t settle for less ladies. Never. Benefitting from your love tapos walang plano? That’s their role: to provide, to lead, to plan.”

Payo ni Donnalyn sa mga kababaihan, pumili ng matinong lalaki na may plano.

“Cause choosing the father of your child is the most important decision you’ll make in your life. Please choose a good man with a plan. The one who prioritizes you, provides for you, protects you and yung mabango,” aniya.

Sa huli ay nagbigay siya ng mensahe kay JM, “To my Juan Miguel, you’re auditioning for one of, if not, the most important role of your life: To be a Husband. Godbless a faithful man.Thy will be done.”

Sa comment section ay may bumati na sa kanila ng “congratulations” at ang iba’y naghinala na baka kasal na ang dalawa.

Daliri ni Jericho, naaksidente

Nagkaroon ng minor injury si Jericho Rosales base sa kanyang latest Instagram post.

Makikita sa ipinost na larawan ni Echo na may bandage ang index finger niya habang hawak ang X-ray result kung saan ay makikitang parang may bali ang nasabing daliri.

Makikita rin sa larawan na tila nasa ospital ang aktor.

Sa caption ay nakatag si Janine Gutierrez at ang nail salon business nito.

“Hi @idonailsph & @janinegutierrez Tell me you can fix this,” caption ni Echo.

Sa kanyang Instagram ay nag-share rin ng ilang photos si Echo habang nasa ospital siya kasama si Janine, ang ama nitong si Monching Gutierrez at kapatid na si Maxine.

Tila sinamahan siya ni Janine at ng pamilya nito na magpa-check up.

Caption ni Echo, “they all held my hand.”

Sa isang larawan naman ay makikitang nakabenda ang buong kanang kamay ng aktor at may nakalagay pang sandok na kahoy para makadiretso ito.

May photo rin ng magkapatid na Janine at ­Maxine at ani Echo sa caption, “so much love for these two.”

Hindi malinaw kung anon’g aksidente ang nangyari sa aktor kaya sa comment section ay marami ang nagtanong at nagpahayag ng pag-aalala.

DONNALYN BARTOLOME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with