^

Pang Movies

Atom, naglabas ng bubog

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Atom, naglabas ng bubog
Atom Araullo.
STAR/ File

Naging open si Atom Araullo sa mga naging “bubog” sa buhay niya sa pagdalo nito sa Storytellers Academy ng GMA Public Affairs with Jessica Soho.

Ang bubog ay term ni National Artist Ricky Lee roon sa mga dala-dala natin o ‘yung mga kinikimkim natin na kailangan nating malagpasan.
Kuwento ni Atom: “Kung meron mang isang papasok sa isip ko, nag-aral ako sa Ateneo de Manila. Ang mga estudyante sa Ateneo, hindi naman lahat, pero mas mataas ang antas sa lipunan. Ibig sabihin, mga may kaya.
“Noong bata pa lang ako, nagkaroon ako ng feeling, kasi hindi naman kami galing sa isang mayaman na pamilya, hindi rin naman kami naghihirap, pero hindi kami masyadong mayaman.
“So, ‘yung mga uniporme ko noon ‘yung mga pinakamura lang. ‘Yung discounted sa department store. Napupuna ‘yun ng mga kaklase ko.
“So parang feeling ko hindi ako cool. Hindi ako belong sa popular crowd. Doon ko naisip na, ‘Papatunayan ko sa inyo na kaya kong maging magaling. Kahit na hindi ako cool sa iyong pananaw.’”

Ipinakita niya na hindi hadlang kundi maaaring maging inspirasyon para magsikap at magtagumpay.

Ngayon ay isa siya sa respected at award-winning broadcast journalists ng GMA 7.

Gerald, tuloy ang laban sa sexual harassment

Patuloy ang pakikipaglaban against sexual abuse ni Gerald Santos. Kasalukuyan itong naghahanap ng bagong abogado.

“Unfortunately, meron mga bagay na unexpected na nangyari. Na-delay nang na-delay ‘yung supposed to be na dapat na gagawing aksyon. I don’t wanna go into details na about it na.

“Kasi, hindi talaga biro ang mag-file ng case. It’s gonna be a long battle, we all know that po,” sey ng dating winner ng Pinoy Pop Superstar.

Sa support daw mula sa friends and loved ones, nakatulong sila na makahanap siya ng bagong abogado.

Marami nga raw na lumalapit kay Gerald na tulad niya ay biktima rin ng sexual abuse.

“Sabi ko, ‘Ay, hindi ko na nga ito laban lang.’ Kasi, hindi natin alam baka may binibiktima pa rin siya. So, kailangan matigil na iyon.

“‘Pag ito pinursue ko and eventually sana maipanalo, magkakaroon ‘to ng stern warning dito sa mga taong katulad nito na hindi na pwede ‘yung ganitong ginagawa n’yo.

“Ngayon magsasalita na talaga ‘yung mga tao. Hindi na ipagkikibit balikat lang ‘yung mga pangyayari.”

Last year, isiniwalat ni Gerald ang nangyaring pang-aabuso sa kanya noong 2005.

Sean Diddy, kulong ng 20 years!

Nasentensyahan ang American rapper-producer na si Sean “Diddy” Combs ng 50 months (four years) with 14 months considered time served after being found guilty on two counts of engaging in transportation to engage in prostitution.

Bago binaba ang sentensya, nagmakaawa pa raw si Diddy sa judge at humingi ng tawad sa kanyang mga naging biktima at sa mga pamilya nito.

“Sometimes, you have to go through life experiences. These are not excuses. I can’t change the past but I can change the future. I beg your Honor for mercy, to be a father again, to be a son again, a leader in my community again. To get the help I need.”

Bukod sa apat na taong pagkakakulong, Diddy will face up to 20 years in prison dahil sa iba pa niyang kaso.

ATOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with