^

Pang Movies

Arron, ginamit ang sarili sa ‘prayers’ sa mga nilindol!

Dianne Canlas - Pang-masa
Arron, ginamit ang sarili sa ‘prayers’ sa mga nilindol!
Arron

MANILA, Philippines — Burado na ang post ng actor-turned-politician na si Arron Villaflor tungkol sa panawagan niyang ipagdasal ang mga apektado ng lindol sa Cebu.

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang post ng board member ng second district ng Tarlac nang isama nito ang sariling litrato na tila nagdarasal sa art card kasama ng panawagang “Pray for Cebu and those affected by the earthquake.”

Matapos siyang sugurin ng mga basher ay napansing burado na ang post nito pero marami na ang nakapag-screenshot kaya’t tuloy pa rin ang pangdo-dogshow sa kanya.

Tinawag siyang epal sa paggamit ng kanyang photo sa pakikisimpatya sa nilindol.

 Ang iba ay ginawa pa siyang katatawanan at kinumpara pa kay Santino, na ginanapan noon ni Zaijian Jaranilla sa programang May Bukas Pa sa ABS-CBN, dahil sa pose niya.

Depensa ng ibang tagasuporta niya ay maganda naman sana ang kanyang intensyon ngunit panget lamang ang pagka-execute nito.

Habang ang ibang basher ay hinahanapan siya ng ayuda dahil hindi raw sapat ang prayers para sa mga nilindol na marami ang nawasak ang tahanan.

ARRON VILLAFLOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with