^

Pang Movies

Alessandra, napuri!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Alessandra, napuri!
Alessandra de Rossi

Balik sa directorial chair si Alessandra de Rossi sa kanyang pinakabagong pelikulang Everyone Knows Every Juan, isang family drama-comedy movie kung saan siya ang bida and producer released through Viva Films na nakatakdang ipalabas sa darating na Oct. 22, 2025.

Bukod kay Alex, maituturing ding casting coup ang pelikula dahil ito’y tinatampukan din ng mga de kalibre and award-winning actors tulad nina JM de Guzman, Edu Manzano, ang actress-director na si Gina Alajar, Ruby Ruiz, Jimmy Fabregas, Joel Torre, Ronnie Lazaro kasama sina Empoy Marquez, Angeli Bayani at ang Kapuso young actor na si Kelvin Miranda. 

Puring-puri si Alex ng kanyang mga kasama sa pelikula, gaya ni Gina Alajar na isa ring director at multi-award-winning actress.

 Ang Everyone Knows Every Juan ay second directorial job ni Alex. Nauna na rito ang hit movie nung 2021 na My Amanda, isang drama-romance na pinagtambalan nila ni Piolo Pascual kung saan din siya ang tumayong star, writer, director at producer.

Si Alex ay nasa pangangalaga rin ng Viva Artists Agency at meron siyang existing co-production venture with Viva sa pamamagitan ng A World of My Own (AWOOO) Production.

Malayo na nga ang narating ng nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi hindi lamang bilang actress kundi bilang writer, director at producer.

Samantala, kokonti ang nakakaalam sa closeness between Alex and Kita Kita at Walang KaParis partner na si Empoy Marquez, na isa sa kanyang closest friends in showbiz along with Piolo Pascual. Kung hindi n’yo kabisado ang pagiging super close ni Alex sa dalawa ay maaari itong mapagkamalang may special something  ang actress either kay Piolo o kay Empoy.

Sa aming panayam noon kay Alex, inamin nito that she could be herself kapag kausap o kasama na ang isa kina Piolo at Empoy na napagsasabihan niya kahit ng mga personal na bagay.

 Kung matatandaan pa, isa si Piolo sa sumugal sa kanilang tambalan ni Empoy sa pamamagitan ng 2017 hit movie na Kita Kita na tumabo sa takilya. Ito’y pinamahalaan ni Sigrid Andrea Bernardo.

Kaladkaren, ‘di nakakalimutan ang ginawa ni Karen

Hindi ikinakaila ni Jervi Wrightson na mas kilala ng publiko sa kanyang screen name na KaladKaren na malaki umano ang kanyang admiration sa kanyang idol, si Karen Davila dahil hindi umano ito nagkait sa kanya ng suporta when she was still star­ting and struggling in showbiz.

Nang mag-viral noon ang kanyang KaladKaren character sa isang political satire na may kinalaman sa 2016 Presidential elections, isa umano si Karen Davila sa unang nag-imbita sa kanya para mag-guest sa kanilang radio program noon ni Vic de Leon Lima, ang Pasada Sais Trenta maging sa sariling vlog ng kilalang broadcast journalist. Naging simula rin ito ng pagkakaibigan ng dalawa.

“Nakakatuwa dahil hindi siya na-offend sa panggagaya ko sa kanya. Idol ko kasi siya,” pag-amin ni Jervi o KaladKaren. 

Hindi naglaon ay naging bahagi na rin si KaladKaren ng Kapamilya family. Naging bahagi siya ng dating morning show na Umagang Kay Ganda at naging presenter ng Pilipinas Got Talent Exclusives, The Voice Kids Digi TV, The Voice Teens Digi TV at Trabahanap. Naging bahagi rin siya ng musical game show na I Can See Your Voice hosted by Luis Manzano at hurado ng Drag Race Philippines.

ALESSANDRA DE ROSSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with