^

Pang Movies

Globe, binuhay ang Marvel U

Pang-masa

MANILA, Philippines — Binuhay ng Globe ang Marvel Universe, sa pakikipagtulungan ng Marvel, para sa mahigit 100 estudyante sa pamamagitan ng MARVEL U: Discover Your Power na ginanap noong Setyembre 4, 2025 sa The Globe Tower sa BGC, Taguig City, kasama si Marvel Comics Editor-in-Chief C.B. Cebulski.

Tampok sa event ang ilang creative legends mula sa Marvel na nagbahagi ng kanilang kaalaman kung paano ang imahinasyon, tapang, at pagkukuwento ay maaaring lumikha ng mga kamangha-manghang mundo at karakter.

Higit pa sa isang workshop, binigyan ng MARVEL U ang mga estudyante ng pambihirang pagkakataon na matuto mula mismo sa mga utak sa likod ng ilan sa pinaka-iconic heroes sa kasaysayan.

Dumalo ang mga estudyante mula sa Manila Institute of Technology, CIIT College of Arts and Technology, University of Makati, De La Salle–College of Saint Benilde, University of Santo Tomas, De La Salle University, at iba pang mga paaralang may malalakas na programa sa arts and humanities.

Bukod sa panel discussion, nagkaroon sila ng meet-and-greet kasama si Cebulski, nakipag-ugnayan sa kapwa Marvel fans, at tumanggap ng eksklusibong merchandise.

Ang event ay isinagawa sa tulong ng Globe Hangouts, kung saan nagkaroon ng access ang mga kalahok sa eksklusibong content, masterclasses, at mga oportunidad tulad ng grants, internships, at apprenticeships.

Maaaring ipagpatuloy ng mga estudyante ang pag-explore sa mga handog na ito sa pamamagitan ng pagbisita sa: www.globehangouts.ph

Higit pa sa event, pinalalakas ng Globe ang kabataan sa Go For It sa pamamagitan ng mga programang sumusuporta sa kanilang mga ambisyon tulad ng Go+ promos na may all-access data, 5G connectivity, at dagdag na GoWATCH GBs para sa panonood ng Marvel titles sa Disney+ at Globe Student Program, na accessible sa https://www.globe.com.ph/student-program.

Lahat ng ito ay pinadali pa sa pamamagitan ng GlobeOne, na pinagsasama-sama ang mga hilig, content, at oportunidad na mahalaga para sa mga estudyante.

Sa pamamagitan ng Marvel U: Discover Your Superpower, pinagtitibay ng Globe ang kanilang pangakong suportahan ang mga estudyante, paigtingin ang kanilang hilig, at bigyang inspirasyon silang #GoForwardTogether at #GoForIt tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

GLOBE TELECOMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with