Lyca, biglang nawala!

Kumusta na kaya ngayon ang kauna-unahang grand winner ng unang season ng The Voice Kids Philippines na si Lyca Gairanod na magtu-21 years na sa darating na November 21?
?Si Lyca ay nakapag-uwi nung 2014 ng P1M cash, house, and lot at iba pang premyo nang siya ang tanghaling first grand winner ng unangseason ng The Voice Kids Phlippines. Naging nakapanabayan niya noon sa reality singing competiton ng ABS-CBN na sina Darren Espanto at JK Labajo pero ang dalawa ay nagtuluy-tuloy ang pag-alagwa ng kanilang respective careers habang si Lyca ay sumikat nang husto sa kanyang pagiging vlogger with over 2M subscribers to her credit although hindi pa rin nito kinakalimuan ang kanyang singing career sa tulong ng kanyang management company, ang Viva.
?The singer-actress-vlogger ay siyang tumatayong breadwinner sa kanyang pamilya magmula nang siya ang tanghaling grand winner ng The Voice Kids Philippines kung saan ang Pop superstar na si Sarah Geronimo ang kanyang tumayong coach-judge.
?Si Sarah rin ang nag-recommend kay Lyca sa Viva, her home studio since 2003 nang siya’y tanghaling grand winner sa isa pang singing reality show na Star for a Night nung 2003 kung saan pumalawa sa kanya si Mark Bautista. Since then ay nagtuluy-tuloy ang magandang takbo ng karera ng misis na ngayon ng Fil-Italian singer, actor, at entrepreneur na si Matteo Guidicelli.
?Kung noo’y namumulot lamang ng basuraang ina Lyca kung saan siya tumutulong din at isa namang dating mangingisda ang ama ng singer, actress, at vlogger, pinatigil na niya ang kanyang parents sa dati nilang ginagawa at siya (Lyca) na ang tumayong breadwinner sa kanyang pamilya.
?Nung April 2022, isang hindi inaasahang pangyayari ang dumating sa pamilya ni Lyca nang magka-mild stroke sa kanyang ama which left him paralyzed (half of his body) at hirap na ring magsalita. Pero ang pagmamahalat at suporta ni Lyca sa ama ay hindi nawala. Nagpapasalamat siya sa kanyang ina at mga kapatid na siyang matiyagang nag-aalaga sa kanyang ama habang siya ang naghahanap-buhay.
- Latest




















