^

Pang Movies

Cesar, ayaw nang maglagare

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Cesar, ayaw nang maglagare
Direk GB, Cesar, Carla at JM
STAR/ File

During his prime ay sunud-sunod ang mga pelikulang nilalagare at pinagkakaabalahan ng multi-award-winning actor, director, film producer at painter na si Cesar Montano but lately ay nagiging choosy na umano siya sa kanyang gagawin.

At the presscon of his 2025 Sinag Maynila Film Festival entry, ang Selda Tres kung saan niya mga kabituin sina Carla Abellana at JM de Guzman at pinamahalaan ni Direk GB Sampedro mula sa script ni Eric Ramos, inamin ng actor na kahit indie movie ay aprub sa kanya kapag gusto niya ang material.

Bilang actor ay wala nang kailangan pang patunayan si Buboy (palayaw ni Cesar) dahil bukod sa nakatrabaho niya ang pinakamahuhusay na director ng bansa, nagawa na niya ang kanyang dream project na Jose Rizal at iba pang award-winning movies tulad ng Bagong Buwan, Panaghoy sa Suba, Ligalig, Ang Bukas ay Akin, El Presidente at iba pa na lahat nagbigay sa kanya ng acting honors.

He had so much respect sa kanyang mentor, ang namayapang National Artist for Film na si Marilou Diaz-Abaya na nakatrabaho niya in most of his award-winning movies.

Nakagawa rin siya ng isang Hollywood movie, ang The Great Raid nung 2005 at nagampanan niya ang papel ng yumaong dating Presidente Ferdinand Marcos, Sr. sa pelikulang Maid in Malacañang.

First time nakatrabaho bilang director ni Buboy si Direk GB Sampedro at unang beses din niyang nakasama sa pelikula sina Carla Abellana at ang napakahusay na actor na si JM de Guzman na isa ring singer katulad nina Buboy at Carla.

“Kung magkakaroon ng pagkakataon, gusto ko silang makatrabahong muli,” pahayag ng ex-husband ni Sunshine Cruz.

Bilib na bilib din si Buboy sa husay sa acting ni JM na na-starstruck sa kanya sa kanilang unang pagkikita.

When not busy doing films, pinagkakaabalahan ni Buboy ang kanyang pagpipinta. Meron siyang ongoing exhibit with Ivan Acuna sa Nustar Hotel in Cebu at meron siyang upcoming solo exhibit in November na gaganapin sa gallery ng UP Uptown Mall in Quezon City.

Meron din umano siyang nilulutong proyekto with his son na si Diego Loyzaga. Huli siyang napanood sa pelikulang Blood Brothers nung isang taon.

Nagpapasalamat si Buboy na maganda ang kanyang relasyon sa ex-wife na si Sunshine Cruz at sa kanilang tatlong anak na mga dalaga na sina Angelina, Samantha at Franchesca.

Buboy is currently in a relationship with his non-showbiz partner na si Kath Angeles kung kanino siya may tatlong anak.

Samantala, ang Selda Tres ay mapapanood simula ngayong Sept. 24 – 30, 2025 sa 2025 Sinag Maynila Film Festival in selected cinemas tulad ng Gateway 2, Trinoma, SM Mall of Asia and SM Fairview, Robinsons Manila and Robinsons Antipolo at Market-Market cinemas.

Jessica Sanchez, nagdarasal na ‘wag munang manganak

Nakaabante at nakapasok na ang Fil-Am singer-songwriter na si Jessica Sanchez (30) sa grand finals ng America’s Got Talent (AGT) na ang resulta ay malalaman on Sept. 24, 2025.

Sa kabila na kabuwanan na niya, umaasa si Jessica na hindi pa lalabas ang kanyang first baby before the grand finals night on Sept. 23, 2025, Martes ng gabi, sa Amerika.

Masungkit na kaya niya ang $1M grand prize sa 20th season ng AGT na una niyang sinalihan sa unang season nito when she was only 10 years old?

ABELLANA

CARLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with