Mark, nagpapasundo na sa amang pumanaw

Nagalit kay Mark Herras ang netizens dahil sa comment nito na “Ayaw mo pa ba akong sunduin?” na ang tinukoy ay ang pumanaw niyang ama. Ika-11th death anniversary ng dad niya at inalala niya ito.
Hindi lang nagustuhan ng netizens ang tanong nito tungkol sa pagsundo sa kanya. Namura si Mark ng isang netizen at sabi, “T*do” isipin mo ang mag-ina mo. Selfish mo” at may nag-comment na hindi na raw tumanda ang isip nito.
May nag-suggest pa nga na kung may money problem siya, lumapit siya kay Coco Martin para masama siya sa Batang Quiapo. Magkontrabida na raw siya at baka magkasunud-sunod ang kanyang project.
Barda, nawala na ang spark!
Nakabasa kami ng comment na “Hindi na sila magkatabi,” “Wala na silang spark” at “Hindi na sila sweet,” na ang tinukoy ay sina Barbie Forteza at David Licauco na nagkasama sa event isang ng ini-endorse nilang fast food event. May lumabas na photos sa tinawag na Family Endorser’s Night ng fast food chain at nakita ng fans na hindi magkatabi sa picture ang BarDa.
Lumayo na raw si Barbie kay David at kahit may picture na magkatabi sila, ramdam ng fans na may malaking nabago sa BarDa love team. Ang itinurong dahilan ay ang paglabas ng balita na may non-showbiz girlfriend na nga ang aktor. Hindi kami sure kung nasa bansa pa ang dalaga, pero dumating siya at habang nasa bansa, madalas silang magkasama ni David.
Si Barbie naman, inaaming nasa Lover’s Era siya. Sa isang video nga may sinabing, “Alam mo na, ‘pag tinanong ang love life ng anak mo, ang sabihin mo, very much in love.”
Of course, si Jameson Blake at hindi si David Licauco ang special someone ni Barbie ngayon, bagay na ayaw tanggapin ng ilang BarDa fans.
Pati nga dad ni Barbie, may pahayag na “Alam ko very happy siya ngayon.” Kaya lang, in denial pa rin ang ilang fans, si David daw ang tinukoy ng dad ni Barbie na nagpapasaya sa anak. May humirit naman na ang career ng anak ang tinukoy ng dad ni Barbie na nagpapasaya sa kanya.
Tinanggap sina Barbie at Jameson na magkasama sa Kontrabida Academy at marami rin ang pabor sa tambalan nina Barbie at Sam Concepcion sa Beauty Empire. Bukas nga, tampok sila sa special episode ng Wish Ko Lang at umaasa ang BarSon fans na masundan pa ang pagsasama ng dalawa.
Fans ni Julia, pinagbantaan si Gerald!
Sinugod na nga ng fans ang Instagram ni Gerald Anderson at karamihan sa comment ay patungkol kay Julia Barretto. Comment ng isang fan, sobrang ganda ni Julia at inakala nilang silang dalawa na ang endgame, pero binigo raw sila ng aktor.
May parang nanisi pa kay Gerald, hindi man lang daw nito naisip ang hirap na pinagdaanan ni Julia bago naging sila. Hindi raw nito na-appreciate ang hirap at sakripisyo ng ex para maghiwalay lang sila.
May nagtanong naman kung wala na bang pag-asang mabuo pa ang JuRald love team? Sagot ng fans, wala nang balikan dahil nagpapaligaw na sa iba si Julia at si Gerald naman, parang may nililigawan na, although, wala pang inaamin. Nakikita lang siyang nanonood ng volleyball game ni Vanie Gandler.
Sa sobrang galit naman ng isang JuRald fan, nagbanta na kapag nakita niya si Gerald, babatuhin daw niya ng bulok na itlog. Dinare siya ng ibang fans, gawin daw niya at hindi lang sa salita.
- Latest

























