^

Pang Movies

Billy, sinumbatan ng anak!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Billy, sinumbatan ng anak!
Billy Crawford at anak

Absent pala si Billy Crawford sa panganganak ng kanyang misis na si Coleen Garcia sa 2nd baby nila last Aug. 17.

Hindi raw siya umabot dahil nasa eroplano pa lang siya that time pauwi ng Pilipinas.

Kwento ni Billy sa Fast Talk with Boy Abunda, ang plano raw talaga nila ay manganak ang wifey niya sa pamamagitan ng water birth tulad ng ginawa nila sa panganay nilang anak na si Amari.

“Hindi na siya umabot sa pool. Hindi na umabot, actually pati ako hindi umabot. I wasn’t there when Austin was born. I was on the airplane on my way back home,” sey ng singer/dancer/TV host.

Dahil nga wala siya nang manganak si Coleen, panay raw ang sumbat sa kanya ng anak nilang si Amari.

“Si Amari hindi niya ako tinantanan na araw-araw niya sinasabihan, ‘You weren’t there when Austin was born.’ Oo kaya masakit, masakit magsalita ang anak ko,” natatawang biro ni Billy.

Napakabilis nga raw ng pangyayari at ang kapatid ni Coleen daw ang nagme-message sa kanya ng mga kaganapan.

“Twelve, 24 hours pa ‘yan. Okay, a few minutes later, ‘Ate gave birth.’ So ‘yun ‘yung hindi ko alam kung anong gagawin ko but I just feel so happy, Tito Boy, so blessed,” pagbabahagi ni Billy.

Puring-puri naman niya si Coleen dahil sa tapang at pagsasakripisyo nito para sa kanilang pamilya.

“That woman has given up everything, sacrificed her entire life for our kids and for me, especially, kaya ‘yung support system ko, I have to do and I have to be more for her and for them,” saad ni Billy.

Juday, pinakilig ang crush!

Umapaw ang kilig ng fans, pati na rin ng mga kapwa-artista sa latest Instagram post ni Judy Ann Santos.

Nag-post kasi ang aktres ng larawan ng mister niyang si Ryan Agoncillo at base nga sa caption niya ay tila nasa isang dinner date silang dalawa.

Napakatamis ng mensahe ni Juday sa kanyang mister.

Aniya, “Still crushing on you, even though you’re mine. date nights will forever be on my top 3 favorite things to do with you.”

Pinusuan ng libu-libong followers ang naturang post kabilang na ang celebrities na sina Vina Morales, Dimples Romana, Beth Tamayo at marami pang iba.

“Ayiiii #couplegoals forevs,” komento naman ni Bianca Gonzalez.

Sumagot naman nang pabiro si Ryan ng “parang kailangan na nga antipara ng crush mo.”

BILLY CRAWFORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with