^

Pang Movies

Dasuri, palaban sa pagiging Dancing Queen!

Ruel Mendoza - Pang-masa
Dasuri, palaban sa pagiging Dancing Queen!
Dasuri Choi.
STAR/ File

Kung meron mang puwedeng tawaging Dancing Queen of GMA 7, ito ay walang iba kundi ang South Korean dancer and entertainer na si Dasuri Choi.

Mabilis daw kasing maka-memorize ng steps ng iba’t ibang sayaw si Dasuri. Isang tingin lang daw niya sa video ay agad daw niyang nagagaya at nabibigyan niya ng sariling tatak niya.

Hindi nakakagulat ang husay niya sa sayaw dahil naging back-up dancer siya ng hit South Korean all-girl group na Wonder Girls in 2007. “I was really young that time and very lucky po ako na napili po ako as one of their back-up dancers. Kaya parang nakakakaba, and at the same time, super honored po ako kasi super uso din noong time ng Nobody,” sabi ni Dasuri.

Inamin ng dancer na minsan din siyang naging K-pop trainee, pero hindi niya natuloy ito. “I was actually a K-pop trainee before, but hindi natuloy. Para kasing walang freedom po doon sa K-pop industry kapag dating sa K-pop talaga. Even after school, they would pick me up and then diretso training, after that, wala pong bonding with friends and all, diretso uwi tapos tulog tapos school again and then training again, lahat ganoon po. Bawal rin magka-jowa. ‘Yun ‘yung hindi ko talaga kaya!” tawa pa niya.

Nakilala ang 37-year-old dancer nung sumali ito sa contest ng Eat Bulaga na You’re My Foreignay in 2014. Second runner-up at best talent siya. Lumabas siya sa Kapuso shows na Day-Off, Pepito Manaloto, My Korean Jagiya, Inday Will Always Love You, Bubble Gang at Tahanang Pinakamasaya.

Mapapanood ngayon si Dasuri sa Stars on the Floor kasama si Rodjun Cruz bilang isa sa mga final dance star duo.

Angelu at Bobby, binubuhay ang nakaraan

Muling kikiligin ang fans nina Angelu de Leon at Bobby Andrews dahil napapanood sila sa bagong season ng youth-oriented program na MAKA na MAKA LOVESTREAM.

Ang loveteam nila ang nanguna noon sa same timeslot noong ‘90s sa youth-oriented series na TGIS: Thank God It’s Sabado. Gaganap sila bilang mga magulang ni Zephanie sa show.

Natutuwa sina Angelu at Bobby dahil nakakatrabaho nila ang Gen Z stars na kaedad nila noong kasikatan ng TGIS. Nakakabata raw and it brings back happy memories noong teen stars sila.

SNL comedian, sabik na sa anak

Magiging daddy na ang Saturday Night Live (SNL) comedian na si Pete Davidson dahil pinakita na ng kanyang girlfriend na si Elsie Hewitt ang baby bump nito habang nasa tropical vacation sila.

Happy si Pete at excited na raw itong ma-meet ang kanyang baby. Isa raw ito sa matagal na niyang gustong mangyari sa buhay niya.

“Seeing our Pete happy and healthy makes my day,” post ni Elsie.

Kontrobersyal ang dating timeline ng SNL comedian. Na-engaged siya kay Ariana Grande in 2018 at nagtagal iyon ng six months. Naging girlfriend din niya sina Carly Aquilino, Cazzie David, Kate Beckinsale, Margaret Qualley, Kaia Gerber, Phoebe Dynevor, Kim Kardashian, Emily Ratajkowski, Chase Sui Wonders, and Madelyn Cline.

DASURI CHOI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with