^

Pang Movies

EA at Shaira, makikipag-bonding kay Dingdong

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasabak sa masayang hulaan sa Family Feud ang newly weds na sina EA Guzman at Shaira Diaz. Pangungunahan nila ang Team Pag-ibig na Totoo, kasama ang Unang Hirit hosts na sina Kaloy Tingcungco at Jenzel Angeles.

Makakaharap naman nila ang Team Serbisyong Totoo nina Susan Enriquez, Athena Imperial, Dano Tingcungco, at Jonathan Andal. Sino sa kanila ang mag-uuwi ng P200,000?

 Abangan ang kanilang episode next week, pati na rin ang iba pang star-studded guests sa Family Feud tuwing 5:40 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA 7.

Ganito... short films, available na rin sa Youtube

Kagigiliwan at kapupulutan ng aral ang Ganito Tayo, Kapuso short films na maaari na ring mapanood sa official YouTube channel ng GMA Network.

Tampok sa espesyal na koleksyong ito ang seven core Filipino values: Maka-Diyos, Masayahin, Maabilidad, Makabayan, Mapagmalasakit, Mapagmahal, at Malikhain. Bawat kuwento ay nagbibigay-halaga sa isa sa mga values na ito. At bukod sa malikhaing pagkukuwento, sigurado ring kagigiliwan ng mga manonood ang performances mula sa mga paboritong Sparkle artist.

Maaari ring mapapanood ang Ganito Tayo, Kapuso sa GMA, GTV, I Heart Movies, at Heart of Asia hanggang Aug. 31.

Samantala, para naman sa Global Pinoys, mapapanood ang mga ito sa GMA Pinoy TV simula Sept. 6 at sa GMA Life TV sa Oct. 11.

SHAIRA DIAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with