Korina, unbothered!

Mukha namang hindi apektado si Korina Sanchez sa “P10 million issue” sa kanya dahil nagawa pa niya itong gawing biro sa kanyang latest Instagram post.
Kasalukuyang nasa Hong Kong ang batikang broadcast journalist para sa episode ng kanyang show sa TV5 na Face to Face Harapan base na rin sa kanyang recent posts.
Sa latest photos nga na in-upload niya ay makikitang enjoy na enjoy siya habang nasa Disneyland Hong Kong at sa caption ay tinawag niya itong “my P10 milion palace.”
Sinabi rin ni ate Koring na para sa kanya ang happiest place ay ang peace of mind.
“My P10 Million Palace. Joke. The happiest place on earth they say is Disneyland. Actually, the happiest place is peace of mind. In the midst of ignorant hate comes blessed calm knowing that GOOD is in control if you allow it,” aniya.
“First day in HKG among Pinoys who saved up enough for a family trip. Work,” patuloy pa niya.
Makikita rin sa kanyang post ang mga larawan niya kasama ang OFWs at supporters na naniniwala raw sa kanya sa kabila ng mga ingay.
“And breaking bread with supporters who continue to believe despite the noise. Carlo Magdaluyo and TV5! And the Rated Korina team! Thanks,” sey niya.
Nagsimula ang kontrobersyal na P10M issue kay Korina sa post ni Pasig Mayor Vico Sotto sa Facebook page nito last Thursday kung saan ay nagpahaging ang alkalde sa journalists na nag-interview sa mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.
Indirectly ay sinasabi ni Mayor Vico na nagbigay ng P10M ang Discaya couple sa journalists na nag-interview sa mga ito bagama’t walang pangalang binanggit, ipinost niya ang larawan nina Korina at Julius Babao na magkahiwalay na iniinterbyu ang mag-asawa.
Nagbigay na ng statement ang producers ng Rated Korina at Korina Interviews at mariing itinanggi ang akusasyon. Nagpa-interview na rin si Julius na nag-deny rin na tumanggap siya ng P10M mula sa mag-asawang contractor.
- Latest

























