^

Pang Movies

Spring in Prague, may playdate na!

Pang-masa

Hindi nawawalan ng pag-asa ang movie producer na si Atty. Ferdie Topacio.

At tanggap niya na iba na ang sistema ng panonood ng pelikula sa kasalukuyan.

Pero para sa kanya, iba pa rin ang karanasan sa sinehan. “Para sa akin, iba ‘yung experience sa movie house. Malaki, larger than life. At tsaka may kasama ka, may kakilala kang kasama mo, may mga hindi ka kakilala.

‘“Pag nakakatawa, magtatawanan kayong sama-sama. ‘Pag nakakaiyak, iyakan kayo. ‘Pag nakakatakot, sigawan kayong sama-sama. At tsaka ‘yung sasadyain mo, ‘yung galing ka sa bahay, magbibihis ka, sasakay ka ng sasakyan, pupunta ka roon, bibili ka ng ticket, bibili ka ng popcorn, o ‘yun. At nandoon ka sa madilim, hihintayin mong panoorin,” katwiran ng kontrobersyal na abogado na priority pa rin ang paggawa ng pelikula.

At kasama sa iprinoduce niya, ang Spring in Prague na ipalalabas sa Nov. 30.

Pag-amin niya ,pangarap talaga niya ang pagpo-produce ng pelikula.

“Pangarap ko talaga na sabi ko, bago ako mamatay makagawa man lang ng isang pelikula. Pangatlo ko na actually ito (Spring in Prague), and pakonti-konti lang naman hindi naman kailangan marami kasi at least nandiyan yan. It’s my legacy habang buhay nandiyan ang mga pelikula ko,” dagdag niya nang makausap siya ng ilang entertainment writers sa Kamuning Bakery kamakailan.

Samantala, naniniwala siya na dapat institutionalized na ang paggawa ng pelikula para mag-level up ang lahat ng pelikula partikular na ang mga maliliit na producer.

FERDIE TOPACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with