^

Pang Movies

Robi, may naalala kay Ejay Falcon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Robi, may naalala kay Ejay Falcon
Robi

Pumirma ng panibagong kontrata si Robi Domingo sa ABS-CBN.

At kung meron siya ngayong gustong gawin, ang magkaroon ng morning talk show with Melai Cantiveros or late night show like Jimmy Fallon or Seth Meyers.

Seventeen years na siya sa pagiging Kapamilya.

Ganun katagal.

Naging housemate lang si Robi noon sa Pinoy Big Brother (PBB) hanggang nagtuluy-tuloy na ang kanyang trabaho.

Aminado ang ngayon ay Pinoy Big Brother host na hindi siya makapaniwala kung gaano kabilis ang pangyayari mula nang magsimula siya sa Kapamilya network.

Taong 2008 nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya, mabilis umasenso ang career kung saan nakapag-host siya ng ilang reality programs at sumabak pa sa ilang acting at dancing gig.

At hanggang ngayon in demand siyang host sa mga special event.

At hindi niya nakalimutan kung paano niya nakita ang kapwa batchmate sa PBB na si Ejay Falcon bago ang kanyang contract renewal sa ABS-CBN.

Runner-up si Robi habang si Ejay ang Grand Winner sa nasabing season.

 “I saw our former Big Winner Ejay Falcon so it reminded me of what happened during our batch.

“Grabe andami na nangyari sa buhay natin but we always come back to that moment when we were housemates inside the Big Brother house back in 2008.

“It brought so much joy para sa amin. Now, iba na ‘yung roles namin sa buhay but the memories are gonna be there forever,” pag-aalala niya sa ginanap na media conference pagkatapos niyang pumirma ng kontrata days ago.

Si Ejay Falcon ay naging Vice Governor ng isang term pero natalo siya noong nakaraang eleksyon nang kumandidatong Congressman ng Second District ng Oriental Mindoro.

Anyway, nang tanungin kung gaano kahalaga ang loyalty para kay Robi, aniya higit pa ito sa trabaho.

“Not just in my line of work but also personal. Lalo na nung ikinasal ako (ikinasal siya kay Maiqui Pineda noong Enero 6, 2024), loyalty is one of the things that I value,” sabi niya pa.

Naniniwala rin siyang naaayon sa kanyang values ang kanyang pagiging Kapamilya kaya’t nanatili siyang loyal.

“Para sa akin, ang higit na dahilan kung bakit ka nagiging tapat ay dahil naniniwala ka sa mga halaga ng kung ano ang iyong bahagi… isang bagay ngunit ang maniwala sa core nito at ang pangako nito na maging sa serbisyo ng Pilipino ay iba,” paliwanag niya pa.

ROBI DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with