^

Pang Movies

Nikki, kinarir na ang pagiging baker!

Lanie B. Mate - Pang-masa
Nikki, kinarir na ang pagiging baker!
Nikki

MANILA, Philippines — Kapag hindi umaarte sa harap ng kamera ang aktres na si Nikki Valdez ay busy naman ito sa kanyang click na negosyo, ang Miss Buttercream.

Ang aktres mismo ang personal na nagbi-bake ng mga binebenta niya na specialty ay ang classic butter at vanilla flavor cake.

Meron din siyang available para sa mga chocolate lover naman o depende sa hinihiling na flavor ng kanyang mga client.

Customized ang paggawa ng cakes ni Nikki – mula sa kung anong request or theme, para sa birthday, wedding, binyag, at iba pang event na gusto ng bonggang cakes.

At si Nikki at ang team nito ang bahalang mag-magic ng cake. Kahit mula sa mga imposibleng request ng kanyang customers minsan. Kaya naman special at personal din ang level ng pag-aasikaso ng aktres ng mga masasarap at naggagandahan niyang masterpiece.

Pero kahit puro cakes ang negosyo niya ay sexy pa rin ang aktres ah. 

“I try to eat healthy as much as I can. I’m into lots of playing tennis. Magti-three years na akong nagtutuluy-tuloy na mag-tennis so I can exercise everyday.

“Siyempre kailangan i-maintain ang physical looks mo. I have my derma and I drink a lot of water. Importante po ‘yun. ‘Yan lang po ang mga ginagawa ko. Saka kapag tumatanda ka kailangan mong magkaroon ng maayos na tulog or beauty rest,” paliwanag pa ng aktres.

Excited naman ang aktres sa gagawin niyang movie na may tema patungkol sa pamilya na matagal-tagal na niyang hindi pa nagagawa. Hindi pa raw niya puwedeng i-share, pero promise niya na napakaganda raw ng story na tungkol sa young love at acceptance.

Bawal pa nga raw niyang sabihin ang title.

Samantala, highly recommended ni Nikki Valdez ang musical play na Side Show: The Musical. Aminado ang aktres na ang pagiging unique ng mga indibidwal ay dapat na normal lamang kung ituring, na hindi hinuhusgahan o binabansagang ‘freak.’

Dahil sa magagandang review ng Side Show; The Musical ay nag-anunsyo ang The Sandbox Collective production na extended ang kanilang palabas hanggang Linggo Aug. 24, 2025 sa Power Mac Center Spotlight Blackbox Theater sa Ayala Makati.

NIKKI VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with