Anthony, willing to wait kay Shuvee

Willing daw na maghintay si Anthony Constantino kung kelan na magiging ready ang co-Sparkle Star na si Shuvee Etrata para sagutin siya.
Ayon sa Fil-American hunk, hindi raw niya pine-pressure si Shuvee dahil alam niyang marami pa itong priorities.
“To be completely honest, I’ve been courting Shuvee. Yes, officially courting Shuvee, and yes, I’ve learned this really take our time, everybody knows how Shuvee is and she’s really, really, the kindest person here that I’ve ever really met. I’m learning to take my time with her in courting, and I’m learning how to court as well.”
Pinapakita naman daw ni Anthony ang suporta niya sa mga ginagawa ni Shuvee tulad sa pagnood niya ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Collove Concert kunsaan nakilala niya ang lahat ng naging housemates nito sa loob ng PBB house.
Chariz at Buboy, may pa-advice
Walang tigil sa tawanan at relationship advice ang episode ng Your Honor with Chariz Solomon at Buboy Villar dahil naging guest nila ang Kapuso comedians na sina John Feir at Pekto.
Sa topic na pimagatang In Aid of Misterhood: Mga Hugot ni Mister kay Misis tinalakay nila ang ilan sa mga nagiging problema ng mag-asawa.
Dito, binigyan diin ng Pepito Manaloto star na si John Feir ang halaga ng “honesty” sa relasyon nila ng misis na Uyen Feir na nag-celebrate ng kanilang 25th wedding anniversary.
Ayon kay John, kahit ang “ME time” niya sa pagmomotorsiklo, alam ni Uyen ang mga detalye.
“Open na ako, puwede na sa kanya. Sabi ko, pupunta ako ng Batangas magmomotorsiklo ako. Sabay paalala niya, ‘Basta pasalubong’.
“Ganun lang, ‘yun ang sinasabi ko sa relationship, kailangan maging tapat ka. Maging totoo ka, huwag kang magsisinungaling. Ang hirap magsinungaling.”
British actor, pumanaw na
Pumanaw na ang British actor na si Terence Stamp sa edad na 87. Isa sa pinakasikat na movie role niya ay bilang ang kontrabida na si General Zod sa 1978 film na Superman at Superman 2 in 1980.
Hinangaan din ang aktor sa pagganap bilang isang transgender woman sa 1994 musical-comedy na The Adventures of Priscilla: Queen of the Desert.
Born in London’s East End in 1938, nagbigyan ng scholarship si Stamp to go to drama school. Lumabas siya sa iba’t ibang stage production during the ‘60s. At noong hindi siya ang napili bilang James Bond after Sean Connery, gumawa siya ng ilang Italian films hanggang ma-penetrate niya ang Hollywood.
Nagkamit siya ng Oscar nomination for the 1963 movie Billy Bud. Naging Cannes best actor siya for The Collector in 1965.
Huli siyang napanood sa pelikulang Last Night in Soho in 2021.
- Latest

























