Romnick, nagpatutsada kay Sen. Chiz?!

Ang sagot ni Romnick Sarmenta na “Men who matter daw po” sa post sa X na “Wala si Chiz?” Tungkol ito sa awardees ng PeopleAsia ng Men Who Matter 2025. Wala si Senate President Chiz Escudero sa awardees, kaya may nagtanong na sinagot ni Romnick.
Tanong ng netizens, sino kaya sa mga awardee na kinabibilangan nina Senators Tito Sotto, Bam Aquino ang pinag-reakan ni Romnick? Sina Sotto at Aquino lang ang politicians sa awardees at alam na very critical si Romnick sa mga pulitiko, lalo na ‘yung taga-showbiz na nasa pulitika.
May statement dati si Romnick bago ang nakaraang eleksyon na hindi niya iboboto ang mga artistang kandidato na siguradong tinupad nito.
The rest of the awardees sa Men Who Matter ay hindi pulitiko at kasama pa nga si Alden Richards.
Pero dahil sa comment na ‘yun ni Romnick, ang daming comment patungkol kay Chiz.
Sarah, idol na idol ni Zela
Big fan pala ni Sarah Geronimo si Zela, ang Fil-Am singer-songwriter, rapper at dancer na talent ng AQ Prime Music. Kuwento nito sa interview namin after ng launching niya, gustung-gusto niya si Sarah at songs nito. Kinanta pa raw niya sa isa niyang guesting ang hit ng idolo na Tala complete with choreography.
Isa si Sarah sa gustong maka-collab ni Zela. “Sana magkatotoo,” wish nito.
Isa rin si Sarah sa binanggit nito na kanyang musical influences na kinabibilangan nina Olivia Rodrigo at Blackpink.
Nabanggit ni RS Francisco, isa sa bossing ng kanyang management, na may Korean producers na kinuha si Zela to write a song na gagamiting theme song for a project to be aired internationally at ang baguhang singer din daw ang kakanta.
In fact, after the mediacon, nakipag-meeting agad si RS sa Korean producers and by now, naayos na ang kanilang napag-usapan.
Baka nga hindi pa tapos ang kanyang kontrata, sikat na siya.
May global appeal ang compositions niya na kasama sa kanyang Lockhart album, kabilang ang A.C.E. (Activate Confidence to Empower). Mai-LSS (Last Song Syndrome) naman tayo sa Tagalog tracks sa album kasama ang Bababa na composition ni Ernesto Carlos Orduna. Na-highlight sa song na ito ang husay mag-rap ni Zela.
Shaira at EA, mag-asawa na!
Ikinasal na nga kahapon sina Shaira Diaz at EA Guzman sa St. Benedict Parish Westgrove Heights, Silang, Cavite after 12 years of being in a relationship. Masaya ang showbiz na finally, kasal na ang dalawa at official ng Mrs. De Guzman si Shaira.
Star-studded ang principal sponsors ng mga ikinasal kabilang sina Senator Jinggoy Estrada, Boy Abunda at mga kasama sa Unang Hirit na sina Arnold Clavio at Susan Enriquez. Ninong din ang manager ni EA na si Arnold Vegafria.
Ninang naman ang GMA Network executives na sina Atty. Annette Gozon-Valdes, Cheryl Ching-Sy at Nessa Valdellon.
Maaalalang personal na pinuntahan ni EA sa bahay sina Coco Martin at Julia Montes at inakala pa ngang kinuha niyang ninong at ninang nila ni Shaira ang dalawa. Pero, kabilang pala si Coco sa groomsmen at isa naman sa bridesmaid si Julia.
- Latest




















