^

Pang Movies

Character actor, rumaraket na rin sa pagbubugaw!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kahit anong puwedeng ibenta ng isang character actor eh ibinebenta niya. Matamis kasi ang dila ni character actor kaya napapaikot niya ang kausap niya.

Hindi nga lang akalain ng aming source na may iba rin pala siyang inilalako bukod sa mga personal na gamit o mamahaling bagay.

Pati pala babae o lalaking artista na baguhan eh iniaalok din niya, huh! Siyempre, para kumita, nangungumisyon siya sa kliyenteng magustuhan!

Eh matagal na rin sa showbiz ang character actor kaya naman marami na siyang kilala na nais makatikim ng taga-showbiz, huh!

Hollywood movie ni Lovi, ipalalabas na

Nakita namin sa Facebook ang isang movie poster ng isang American movie.

Eh sa account ng kakilala namin ang poster. At nakita namin sa stars na kasama sa movie si Lovi Poe, huh!

Ang title ng movie ay Bad Man. Kahilera ni Lovi sa top billing ang American stars na sina Seann William Scott,  Johnny Simmons at Rob Riggle.

Natandaan naming ibinalita ni Lovi ang paggawa ng isang American film. Ito na ngang Bad Man marahil ito.

Of course, malaking tulong din ang husband ni Lovi na maka-penetrate sa Hollywood dahil marami siyang koneksyon doon!

Congratulations, Lovi!

LOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with