Max Eigenmann, araw-araw pa ring naaalala si Cherie

MANILA, Philippines — Inalala ng aktres na si Max Eigenmann ang tiyahin niyang si late veteran actress na si Cherie Gil sa ika-3rd death anniversary nito.
Ipinost niya ang photo nilang magkasama kalakip ang mensahe para sa La Primera Contravida.
“Happy 3rd bday in Heaven to my ultimate favorite. my heart breaks every time this day comes but also flutters like crazy remembering how much love you shared with me,” caption ni Max.
Araw-araw nga raw niyang nami-miss si Cherie at pahabol niya ay iyakap din siya nito sa kanyang amang pumanaw na rin na si Mark Gil.
“I love and miss you everyday, Tita Cherie! cheers up there. Hug dad for me too,” dagdag pa niya.
Isa si Max sa durog na durog ang puso nang pumanaw ang beteranang aktres na ayon nga sa kanya ay hindi lamang niya tiyahin kundi best friend din niya ito mula pagkabata.
Tatlong taon na ang nakararaan mula nang pumanaw si Cherie noong Agosto 5, 2022 sa edad na 59 matapos ang pakikipaglaban sa cancer.
- Latest



















