^

Pang Movies

Emilio, ‘nakalam3ang’ ka3y Daniel! 

Salve V. Asis - Pang-masa
Emilio, ‘nakalam3ang’ ka3y Daniel! 
Emilio

MANILA, Philippines — Nawala man si Daniel Padilla sa KFC Philippines, meron naman silang bagong ambassador, ang fast rising actor and digital heartthrob, si Emilio Daez.

Ipinakilala si Emilio bilang kanilang newest brand endorser sa isang contract signing na ginanap the other day sa KFC Roces.

Pero ayon naman sa KFC executive na si Ms. Charmaine Pamintuan, Chief Marketing Officer, bahagi pa rin naman si Daniel ng kanilang kumpanya, hindi nga lang bilang ambassador, kundi bilang franchisee. “But he’s still part kasi ayun nga may business siya with us, sa family nila in Tacloban,” sagot ni Ms. Charmaine sa tanong namin.

Paglilinaw pa niya sa tanong namin tungkol kay Daniel ay: “And we actually have a very nice relationship with him. Actually ‘yung family nga niya is one of our franchisees sa Tacloban. So, on behalf of KFC, actually we acknowledge the partnership. Kung nasaan kami ngayon is actually a good part of it. So, with the transition and then ‘yung priorities ng KFC. So, we’re still friends, but we’ve started to explore others. But we wish them success in all their endeavors,” dagdag pa ni Ms. Charmaine.

Samantala, hindi lang basta pumasok si Emilio sa showbiz. Armado siya ng business degree, corporate experience, bago tinawag para sa PBB.

Bagama’t pangarap niyang magiging CEO pero aniya, nanggugulat ang buhay.

“That was the goal. But life surprises you. Nakatanggap ako ng tawag mula sa ABS-CBN—at nagbago ang lahat. I’m very thankful,” pahayag niya.

Meron siyang degree sa Management Engineering sa Ateneo de Manila University at nagtrabaho bilang investment banker. “Two years in the corporate world taught me discipline. And I carry that with me every day—on set, in the gym, everywhere,” sabi pa niya.

Hindi lihim na si Emilio ay nakababatang kapatid ng brand new dad / host na si Mikael Daez at bayaw sa Miss World 2013 na si Megan Young pero mabilis siyang nakatayo ng sariling pangalan.

Pero mabilis din siyang nagbigay ng kredito:  “Kung wala si Mikael Daez, wala ako sa showbiz. I’m very thankful to him,” sabi pa ni Emilio sa ginanap na media conference nung ipakilala siyang ambassador ng KFC.

Rhian, naka-relate sa trauma!

Ang gaang panoorin ng pelikulang Meg & Ryan starring JC Santos and Rhian Ramos.

Oo nga at first time nilang magtambal, ang lakas ng chemistry ng dalawa.

Directed by Catherine Carillo, siya ang nasa likod ng mga pelikulang Chance You and I and That Kind of Love na parehong napanood noong 2024 under Pocket Media Productions.

At aminado si Rhian na mabilis siyang nakakonek sa character niyang si Meg Zamonte na nakikipaglaban sa problema sa alak umpisa nung 18 years old siya dahil sa pamilya.

 Sabi ni Rhian sa kanyang naunang interview, ramdam niya na very relatable ang kanyang character. “People are always struggling to find themselves. Everyone is so aware about mental health these days. Everyone is constantly examining themselves and trying to heal their inner child, get over their traumas. I feel that’s Meg’s struggle also. She is focusing on finding herself, but she also found someone who can love her for who she is. She also discovered what is loveable about her,” paliwanag niya sa interview tungkol sa pelikula.

At bukod sa ginampanang character pinuri rin ni Rhian ang production team ng pelikula: “Nagulat talaga ako since first time kong makatrabaho si Direk Catherine. The whole production went to great lengths to make the film visually stunning — the time spent on each scene, the equipment they used. It’s not something you usually see in every film. Good things really take time.”

Sinabi naman ni JC na pinaka-challenging talaga ang role ni Rhian dahil sa complexity nito. At nagpapasalamat siya sa involvement ng aktres sa pelikula. “It was so effortless working with her. I’m really glad I was able to work with her, and buti na lang she’s okay with me. She gave her soul here in this film.”

At aniya, masaya siya na alam ng actress ang kanyang ginagawa.

Marami silang mga kissing scene at may bed scene pa pero bilang leading man kailangan pa rin ni JC na alagaan ito at suportahan ang leading lady “That’s still my responsibility,” aniya na gumaganap na Ryan Canete, isang 35-year-old certified virgin na aniya ay ibang challenge ang kanyang naranasan.

Mararamdaman sa pelikula ang mga sinabi nila sa kanilang character na sina Meg and Ryan.

Ipalalabas ito sa Aug. 6 at sa totoo lang must watch ito lalo na sa gusto lang manood at hindi na kailangang maghanap ng mga butas sa kuwento. 

EMILIO DAEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with