^

Pang Movies

Sofia, nang-eklay sa engagement ring!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sofia, nang-eklay sa engagement ring!
Sofia

Dumagsa ang mensahe ng pagbati kay Sofia Andres dahil sa ipinost niyang larawan kung saan ay makikitang may suot siyang diamond ring.

Simpleng caption ng aktres, “Diamonds are forever” at naka-tag ang jewelry shop na pinagbilhan.

Siyempre, ang inisip ng lahat ay engaged na siya sa kanyang partner at ama ng kanyang anak na si Daniel Miranda.

Sa comment section ay nagsipag-congratulate sina Bea Alonzo, Agot Isidro, Zeinab Harake, Chie Filomeno, Small Laude at marami pang iba.

Pero ang siste, hindi pa umano engaged si Sofia at ayon sa komento ng netizens ay binili raw ito ng aktres para sa sarili.

Ang iba naman ay nagsabing very confusing daw kasi ang post ni Sofia kaya inakala ng lahat na engaged na siya.

Anyway, kung true na hindi pa sila engaged, feeling namin ay nape-pressure na ngayon si Daniel dahil inunahan na sila ng netizens.

Vina, nilinaw ang relasyon nila ni Jake

Nilinaw ni Vina Morales na magkaibigan lang sila ni Jake Ejercito at walang anumang ‘something’ na namamagitan sa kanila tulad ng mga ispekulasyong naglalabasan.

Nagsimulang ma-link sina Vina at Jake nang mag-post ang aktres/singer ng larawan nila na magkasama sa Sulu last May habang nangangampanya para sa isang pulitiko.

Napansin agad ng netizens ang kakaibang chemistry ng dalawa at nagsimula nang kumalat ang balitang nagde-date sila.

Sa guesting ni Vina sa Fast Talk with Boy Abunda ay sinabi niyang pati siya ay nagulat na nagkaroon na ng tsismis sa kanila ni Jake.

“Actually, nagkasama lang kami sa isang show. Nangampanya kami, overnight lang ‘yun. Tapos, after the event, tapos, nag-swim kami…” paliwanag ng aktres.

Hindi na natapos ni Vina ang sasabihin dahil nag-react agad ang host na si Boy Abunda pati na rin ang isa pang guest na si Gladys Reyes ng “nag-swim??!”

Kaagad namang nagpaliwanag si Vina at hindi malaman kung paanong explanation ang gagawin.

“No, nag-swimming kami. Teka muna, Juicekolord, nakakahiya kay Jake,” natatawa niyang sabi.

Pero seryoso niyang wika, “but he is really a good friend.”

Tinanong siya ni King of Talk kung open ba siya na makipagrelasyon sa mas bata sa kanya at sagot ni Vina, “ayokong magsalita ng tapos, but I don’t know, I mean if there’s someone na…”

Napag-usapan din nila ang huling relationship ni Vina sa foreigner na si Andrew Kovalcin at sey niya, ay hindi raw para sa kanya talaga ang LDR o long distance relationship.

“Mahirap talaga. ‘Yung sa iba naman, it would work siguro. Pero para sa akin, karamihan ng nag-LDR na relationship ko, it didn’t work out.

“So, I guess it’s not for me. But then, well, wala talaga eh. I mean, mahirap ipilit ‘yung hindi para sa iyo,” sey ni Vina.

SOFIA ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with