^

Pang Movies

Throwback... Hagibis members, front lang dati ni Mike Hanopol!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Throwback... Hagibis members, front lang dati ni Mike Hanopol!
Mike

Now it can be told!

Alam mo ba, Salve A., na ang Hagibis members na binubuo noon nina Sonny Parsons, Bernie Fineza, Mike Respall, Joji Garcia at Mon Picazo ay naging front lang noon ng totoong kumanta ng hit songs na tumatak sa grupo na si Mike Hanopol, isa sa pioneering exponent ng Pinoy Rock sa Pilipinas.

Sumikat nang husto nung taong 1978 ang American disco group na Village People na siyang nagpasikat ng awiting Y.M.C.A, Macho Man, In the Navy, Go West at iba na hindi lamang sa Europe, Amerika at Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Naging phenomenal ang kasikatan ng Village People which prompted former Vicor Music Corporation and Blackgold Corporation na kunin ang serbisyo ng Pinoy rock exponent, ang singer-songwriter at musician na si Mike Hanopol na mag-compose ng songs ala-Village People na kanilang ire-release sa market. At that time ay wala pa silang naisip na pangalang gagamitin at kung sinu-sino ang magiging members.

Madaling nakapag-compose si Mike Hanopol na kanyang sinimulan sa awiting Katawan which he recorded gayundin ang iba pang hit songs tulad ng Legs, Babae, Ilagay Mo Kid at iba pa.

Inisip noon ni Boss Vic Del Rosario, big boss ng Viva Group of Companies ngayon, na bumuo ng all-male group na bubuuin ng kilalang male actors and singer pero hindi nagustuhan ni Mike ang idea. 

Instead, naghanap siya kung saan-saan ng magiging members ng Hagibis. Sa lima, dalawa lamang ang kumakanta, sina Sonny Parsons at Mike Respall.

Nang i-present ni Mike Hanapol ang magiging miyembro ng Hagibis kay Boss Vic, agad itong binago ang image to let them look na mga macho men, pati ang kanilang mga tindig, costume maging ang kanilang choreographed movements.

Sikat na sikat na sa ere (radio stations) ang kantang Katawan ay wala pa silang mailabas na grupo and when the group were ready ay saka sila inilabas sa telebisyon na naging simula ng pagiging phenomenal ng grupong Hagibis.

Ang buong akala ng lahat (including this writer) ay totoong boses ng Hagibis ang kanilang mga pinasikat na awitin at walang mag-aakala na boses pala ‘yun lahat ni Mike Hanopol na sa kalaunan ay natutunan ding kantahin nang live ng grupo with the late Sonny Parsons as the lead vocalist.

Nangyari rin ito noon sa grupong Boyfriends ng OctoArts na kasikatan naman ng Bee Gees nagsimula nung mid ‘70s.

Nakagawa ang Boyfriend ng maraming hits bukod sa Dahil Mahal Kita. Nariyan din ang Sumayaw, Sumunod, Nais Kong Malaman Mo, Ikaw Pala’y Salawahan at iba pa.

HAGIBIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with