BB, summa cum laude sa second degree!

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni BB Gandanghari ang pagtatapos bilang summa cum laude sa kanyang ikalawang degree na Bachelor of Science in Entertainment Business sa Los Angeles Film School.
Bago ang kanyang graduation ilang araw ang nakararaan ay excited siyang in-unwrap ang kanyang toga na may caption na “#class2025: Life is about second chances…
“It’s about new opportunities for growth, forgiveness and new beginnings…. so help me God.”
Sinundan niya iyon ng post ng video habang nasa mismong graduation day siya at ipinakita ang kanyang black outfit at sinuot ang kanyang toga.
Bahagi nga niya ay gusto niyang maging inspirasyon at ipinaalalang ikalawang degree niya na raw iyon at ang una ay 40 years ago pa sa St. Louis University sa Baguio.
Pakiramdam niya ay ‘brand new’ na ulit siya.
Kinabiliban naman ang kapatid ni Sen. Robin Padilla dahil hindi raw basta-basta ang maging summa cum laude sa isang international school sa labas ng Pilipinas kaya siguradong wala raw ‘cooking show’ na nangyari.
Binaha siya ng pagbati mula sa mga kaibigan niya gaya nina Jaya, Arlene Muhlach at mga tagahanga niya.
- Latest




















