Lani nagluluksa!

Ilang araw nang nagluluksa si Lani Misalucha.
Pumanaw nga ang ina ng Asia’s Nightingale.
“A mother is your first friend, your best friend, your forever friend.” - Unknown
#rip #tillwemeer #iloveyoumom,” post ni Ms. Lani.
Nauna na siyang nag-post ng “A mother’s love is eternal. Though she may be gone from this world, her love remains forever wrapped around our hearts. — Unknown
#rip #tillwemeetagain #loveyoumom?,” dagdag niya pa.
Sunud-sunod nga ang post ni Lani ng pangungulila sa kanyang ina.
Andami namang nabigay ng mensahe ng pakikiramay.
Samantala, handang-handa na ulit bumalik sa concert scene ang Asia’s Nightingale na grand celebration ng kanyang four decade of timeless music and artistic excellence.
Pinamagatang Still, Lani, masasabi ring grand comeback sa stage ni Ms. Lani na matagal-tagal napahinga dahil sa pinagdaanang health crisis kung saan nga siya nabingi.
“So for a while, hindi ko talaga nakayanan kumanta. Ears, and the vestibular disorder wherein you are consistently nahihilo as in dizzy like dizzy,” sabi niya kamakailan sa ginanap na media conference para sa Still, Lani na produced by Backstage Entertainment, a division of Backstage Manila and spearheaded by Nate Quijano and Cris Mananquil bilang mga producer na ididirek ni Calvin Neria.
“Gumagalaw ‘yung vision, as in hanggang ngayon ganun pa rin ‘yung condition namin, and then we’re partially deaf sa right ear. So it was really a difficult time for me because syempre naman ano, I’m a singer and then mahirap ‘yung pandinig,” dagdag niyang kuwento sa naging epekto ng kanilang sakit ng mister na bacterial meningitis. Dahil doon, naramdaman niyang nagkaroon siya ng depression.
MMFF entries, ia-announce!
Magkakaroon ng grand launch ng 51st Metro Manila Film Festival ngayong araw para sa announcement ng unang batch ng official entries.
Plus may special performance ng PBB Celebrity Collab fan favorite, ang Kwela Soul Diva ng Antipolo, Klarisse De Guzman!
Ang tema : MMFF 51: A New Era for Philippine Cinema.
Gaganapin ito sa Glorietta Palm Drive Activity Center, Makati City, ngayong Hulyo 8, Martes | 5:30 PM or panoorin ito ng LIVE sa MMFF & MMDA Official Facebook Pages.
Ahhh ano kayang mga pelikula ang mga mauunang papasok na official entries?
Or ilan kaya ang official entries, eight or ten films?
Bagong edition ng PBB, nakalatag na!
Kumpirmado na raw na magkakaroon ng bagong season ang successful collaboration between GMA Network and ABS-CBN Studios, ang first-ever Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, with Mika Salamanca and Brent Manalo being named as the Big Winner Duo during the highly anticipated Big Night held last Saturday at the New Frontier Theater.
Yup, sobrang tagumpay daw kasi, kaya plano na ang susunod na edition.
Ang Artist Center star na na kilala ring Ang Controversial Ca-Babe-Len ng Pampanga at Ang Gentle-Linong Heartthrob ng Tarlac, emerged victorious after garnering 33.03 percent of total public votes. Ang bawat isa ay nag-uwi ng grand prize na Php 1 milyon na premyong pera.
Sumunod nang mahigpit bilang Second Big Placer Duo sina Will Ashley at Ralph De Leon na may 25.88 porsiyento ng kabuuang boto, na tumanggap ng tig-P500,000. Nakuha ng ChaRes Duo—Charlie Fleming at Esnyr—ang Third Big Placer spot na may malapit na 22.91 percent share ng mga boto, na nakakuha ng P300,000 bawat isa. Pumatong sa top four ang AzVer duo nina AZ Martinez at River Joseph na may 8.77 percent, na nag-uwi ng P200,000 bawat isa.
Bago naman natapos ang palabas, ini-annouce ang paparating na Fan Meet na tinatawag na The Big ColLove na magaganap ngayong Agosto 10, 2025 sa Araneta Coliseum.
KC, pumapayat na!
Ang daming ganap sa buhay ni KC Concepcion.
Na ipinakita niya sa kanyang isang post.
“Life lately looks like:
“Pilates training + fascia release love w/ the one & only VZ @vivianzapanta
“Homecooked clean meals that actually taste good
“Recovery tools to keep my body in check
“Ice bath + sauna therapy taught by @alybor11
“Pickleball nights just cuz bestie’s obsessed@gingerserranilla
“Pomeranian-powered ‘welcome home’ w/ Churro y Chica!
“Love being in my wellness era, so let’s goooo!,” aniya sa kanyang post.
Napuri naman siya dahil kita naman ang progress sa kanyang body weight.
Mark, nakiramay!
Dumating si Mark Herras sa burol ng dati niyang manager, si Lolit Solis.
Maalalang nagkasamaan sila ng loob.
Nagbigay noon ng reaction si Manay tungkol sa kumalat na raket sa gay bar ng kanyang dating alaga.
Sinasabi niyang naaawa siya sa dating alaga.
“Parang, parang lowest ano na ‘yun na gagawin mo para sa trabaho,” mensahe ni Manay Lolit sa kanyang dating alaga.
Ibinuko rin dati ni Nay Lolit na minsan na ring naghiram sa kanya ng pera ang actor.
- Latest



















