Manay, ipinagluluksa!

Alam mo, Salve A., nakakalungkot isipin na itong taon ng 2025 ang may pinakamaraming kilalang showbiz personalities ang pumanaw na sinimulan ng movie queen at veteran actress na si Gloria Romero nung Jan. 25, 2025 sa edad na 91, na sinundan ng veteran actress-comedian at radio talent na si Matutina (Evelyn Bontogon-Guerrero) nung Feb. 14, 2025, veteran actress na si Delia Razon nung March 15, 2025, Asia’s Queen of Songs, veteran singer-actress at music icon na si Pilita Corrales nung April 12, 2025 sa edad na 87, ang veteran singer at award-winning actress, music, TV and film icon at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor nung April 16, 2025 sa edad na 71, ang original ‘Kilabot ng mga Kolehiyala,’ ang singer-performer at music icon na si Hajji Alejandro, nung April 27, 2025 at age 70, ang singer, actor at director na si Ricky Davao nung May 2, 2025 sa edad na 63, ang veteran actor-comedian na si Amay Bisaya nung May 8, 2025 sa edad na 67, ang singer-songwriter at music icon na si Freddie Aguilar nung May 27, 2025 and most recently, nung July 3, 2025 ay pumanaw naman ang veteran entertainment columnist, dating talk show host at talent manager na si Manay Lolit Solis bilang pang-sampu.
Labas pa rito ang well-loved ng showbiz industry, ang ina ng singer-songwriter at director na si Ice Seguerra na si Mommy Caridad ‘Caring’ Yamson-Seguerra na pumanaw nung nakaraang June 27, 2025 sa edad na 84.
Samantala, tiyak na hahanap-hanapin si Manay Lolit Solis hindi lamang ng kanyang mga alaga kundi ng kanyang napakaraming mga kaibigan in and out of showbiz sa loob ng maraming dekada.
Sa mga hindi nakakakilala kay Manay Lolit, iba ang tingin sa kanya – mataray, maldita at harbatera pero sa kanyang mga kaibigan, kakilala at nakakakilala sa kanya in and out of showbiz, isa siyang genuine na kaibigan, matapat at loyal.
Ipinagluluksa ng industriya ang kanyang maagang pagpanaw.
As early as 2022 ay sumasailalim na si Manay Lolit ng regular dialysis dahil sa kanyang sakit sa kidney na ayaw niyang paoperahan at palitan. Handa na umano siyang mamatay dahil nagawa na umano niya ang kanyang purpose sa buhay.
Kilala siya sa pagiging prangka at palaaway kapag kapag tinitira ang kanyang mga alaga at mga kaibigan pero ang hindi alam ng marami ay meron itong pusong mamon, caring, thoughtful at generous laluna sa mga taong malalapit sa kanya.
Bago nawala sa kanyang pangangalaga si Gabby Concepcion ay matagal siyang naging manager nito.
Siya rin ang itinuring na reyna ng 1994 Manila Film Festival scandal pero mabilis niya itong na-overcome dahil na rin sa tulong at pagmamahal ng mga tao sa kanya.
Manay Lolit, baunin mo ang pagmamahal ng showbiz industry sa ‘yo. Tiyak na mami-miss namin ang kakaiba mong halakhak kapag ikaw ay masaya.
Paalam!
- Latest






















