^

Pang Movies

Ryzza, graduate na ng senior high

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ryzza, graduate na ng senior high
Ryzza

Bongga naman ang dating child star na si Ryzza Mae Dizon na graduate na pala ng senior high nitong nakaraang linggo. Sa kanyang Instagram account, ipinahayag ng television personality at host ang kanyang pasasalamat sa lahat na nagbigay-daan sa kanya upang makapagtapos ng kanyang pag-aaral.

Binati naman siya ng mga kaibigan at tagahanga para sa pagtatapos ng kanyang high school education. Pinalakpakan din siya ng ibang netizens

Ang mga snap ng kanyang graduation ceremony ay in-upload din sa social media ng mga fans.

Si Aling Maliit na 20-year-old na ay nakangiti mula sa tainga habang tinatanggap ang kanyang diploma sa entablado kasama ang mga kaeskuwela sa background.

‘Di ba bongga siya at least hindi niya sinukuan ang pag-aaral niya.

Sinimulan ni Ryzza ang kanyang career matapos manalo ng titulong Little Miss Philippines noong 2012 sa noontime show na Eat Bulaga. Naging regular host siya noon ng show at nagkaroon pa ng sariling talk show sa Kapuso network na tumakbo nang mahigit dalawang taon.

Palakpakan natin si Ryzza.

RYZZA MAE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with